04/02/2022
[A] Naging matagumpay ang third run ng sa SM Mall of Asia kahapon! Sa tulong ng ating partners na Health Metrics, Inc., Angkla Party-List, Angkla for Leni at SM MOA, nakapagbakuna tayo ng 2nd dose at booster shots sa mga kababayan nating seafarers, industry movers, at kanilang pamilya. Lahat ng nagpabakuna ay nakatanggap ng post-vaccination kits.
Katuwang din natin sa programa ang medical professionals at student volunteers mula sa AMA School of Medicine, East Avenue Medical Center, Manila Theological College, UERM Memorial Medical Center, Chinese General Hospital and Medical Center, University of Santo Tomas, Veterans Memorial Medical Center, Far Eastern University — Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation, at Smile Symmetry Dental Clinic.
Sa lahat ng nakiisa at nagtiwala sa ating programa, maraming salamat po! At sa lahat ng mga bakunado, ipagpatuloy lang po natin ang pagsunod sa health and safety protocols para sa ating kaligtasan. Ingat po tayong lahat!