24/03/2026
Isang taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na programang Adolescent Health and Development 💙
Lubos po kaming nagpapasalamat sa aming mga guest speakers na naglaan ng oras at kaalaman upang gabayan at bigyan ng inspirasyon ang ating mga kabataan. Malaki po ang naiambag ninyo sa kanilang pag-unawa at paghubog ng kanilang sarili.
Sa Principal ng Mamlad High School, maraming salamat po sa inyong suporta at pagtanggap sa programang ito. Sa Barangay Captain ng Mamlad kasama ang mga barangay officials, BHW, at SK officials, taos-puso rin po ang aming pasasalamat sa inyong pakikiisa at pagtulong upang maging maayos at makabuluhan ang ating aktibidad.
At higit sa lahat, sa aming mga estudyanteng dumalo, maraming salamat sa inyong aktibong pakikilahok. Nawa’y baunin ninyo ang mga aral at gamitin ito sa inyong pang-araw-araw na buhay.
Ang tagumpay ng programang ito ay dahil sa sama-samang pagkilos at suporta ng bawat isa. Maraming salamat po! 💫