02/07/2026
ππππππ‘π π£ππ‘πππππ¨π¦π¨πππ‘, πππ§ππ π¦π ππ‘π¬π’π‘π π§ππππ‘ππ‘
Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Jalajala sa pamumuno ng ating butihing Punong Bayan, Hon. MAYOR JARRY V. AΓAGO, katuang ang Municipal Health Office (MHO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ilulunsad ang Home Health Service Program.
Ang programang ito ay para sa mga residenteng bedridden at mga may suliranin sa kalusugang pangkaisipan na nangangailangan ng serbisyong medikal ngunit nahihirapang bumiyahe o lumabas ng kanilang tahanan.
Sa ilalim ng programang ito, personal na bibisitahin ng mga kawani ng MHO at MSWDO ang mga benepisyaryo sa kanilang tahanan upang maghatid ng kinakailangang serbisyong medikal, konsultasyon, at iba pang kaukulang tulong.
Para sa karagdagang impormasyon at pagpapalista, makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Station.
Patuloy na inilalapit ng Pamahalaang Bayan ng Jalajala ang serbisyong may malasakit para sa bawat mamamayan.