PGSO Basilan

PGSO Basilan PGSO-Basilan

09/01/2026
09/01/2026
09/01/2026

Good luck sa ating mga Basilan Shari’ah Special Bar Examination takers! lang!

Kahapon, bumisita sa tanggapan ni Gov. Mujiv Hataman ang pitong Basilan Shari’ah Special Bar Examination takers na handa nang harapin ang susunod na yugto sa kanilang journey sa pag-specialize sa Islamic jurisprudence, family law, inheritance at Shari'ah court procedure.

Hanga at saludo sa kanilang pagsisikap ang buong Pamahalaang Panlalawigan ng Basilan sa pamumuno ni Gov. Mujiv. At bilang pagkilala sa natatangi nilang sakripisyo, nagbigay ang provincial government ng financial assistance na P10,000 sa bawat isa sa kanila para dagdag tulong sa pamasahe, requirements at iba pang gastusin sa pagkuha ng exam.

Kung gusto nating mas matibay ang Islamic justice system, kailangan suportahan ang mga taong handang mag-aral, magsilbi at magdala ng hustisya pabalik sa komunidad.

Kasama sa mga dumalaw at tumanggap ng assistance sina:

1. Marham A. Silad ng Isabela City
2. Dasimar U. Lauppah ng Maluso Municipality
3. Hanie A. Birong ng Akbar Municipality
4. Wimbar M. Kandak ng Sumisip Municipality
5. Nadzla Abdulhamid ng Isabela City
6. Muslima N. Mustaham ng Tipo-Tipo Municipality
7. Aisa Hakim ng Tipo-Tipo Municipality

Mas marami tayong Shari’ah Counselors-At-Law, mas lumalapit ang pangarap na mas inklusibo, makatarungan at makataong serbisyo para sa bawat Moro hindi lamang sa , kundi saan man sa bansa.

09/01/2026
21/12/2025

Sanggunian ng Basilan, Inaprubahan ang ₱2.37-B Provincial Budget para sa 2026

ISABELA CITY, Basilan — Unanimously na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Basilan ang Provincial Budget para sa Fiscal Year 2026 na nagkakahalaga ng ₱2,373,849,874.00 sa isinagawang 21st Session ng 17th Sangguniang Panlalawigan noong Disyembre 17, 2025 sa SP Hall ng Provincial Capitol, Isabela City.

Ang sesyon ay pinangunahan ni Vice Governor Jim Hataman Salliman at dinaluhan ng mga miyembro ng sanggunian pati na rin ng mga department heads ng pamahalaang panlalawigan.

Pinangunahan ni Board Member Nasser Salain ang paghahain ng Draft Ordinance No. 2025-23, na nagbibigay-awtoridad sa Annual Budget ng Provincial Government of Basilan para sa 2026. Matapos ang deliberasyon, ito ay unanimously approved ng mga miyembro ng sanggunian.

Kasama rin sa mga inaprubahang agenda ang PDC Resolution No. 02-2025, na nag-aapruba sa Annual Investment Program (AIP) para sa FY 2026 na may kabuuang pondo na ₱2.37 bilyon, at ang PDRRMC Resolution No. 03-2025, na naglalaan ng 5% Local Disaster Risk Reduction and Management Fund na nagkakahalaga ng ₱118,692,493.70.

Nagpasalamat si Governor Mujiv Hataman sa Sangguniang Panlalawigan sa maagap at maayos na pagpasa ng budget at tiniyak ang responsableng paggamit ng pondo ng lalawigan.

“Nagpapasalamat ako sa Sangguniang Panlalawigan sa kanilang suporta at kooperasyon. Sisiguraduhin namin na ang pondo ng lalawigan ay gagamitin nang maingat, wasto, at may pananagutan para sa mas maayos na paghahatid ng serbisyo sa ating mga kababayan,” pahayag ni Governor Hataman.

Ayon sa gobernador, ang aprubadong budget ay magsisilbing gabay sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng lalawigan na nakatuon sa kalusugan, social services, imprastraktura, disaster preparedness, at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga Basileño.

--
[Ang Provincial Government ng Basilan ay maglalabas ng breakdown ng 2026 budget para sa transparency sa mga susunod na araw.]

Address

Basilan
Isabela
7300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PGSO Basilan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share