05/08/2026
📢 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 | 𝐓𝐑𝐎𝐏𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐌 "𝐌𝐀𝐘𝐌𝐀𝐘"
Sa kasalukuyan, ang ating bayan ay nasa ilalim pa lamang ng 𝐓𝐫𝐨𝐩𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐲𝐜𝐥𝐨𝐧𝐞 𝐖𝐢𝐧𝐝 𝐒𝐢𝐠𝐧𝐚𝐥 𝐍𝐨. 𝟏 dulot ng Tropical Storm "Maymay." Sa ngayon, wala pang nararanasang tuloy-tuloy na pag-ulan o lagay ng panahon na nagdudulot ng agarang panganib, kaya 𝐃𝐚𝐲𝐜𝐚𝐫𝐞 𝐚𝐭 𝐊𝐢𝐧𝐝𝐞𝐫𝐠𝐚𝐫𝐭𝐞𝐧 pa lamang ang suspendido ang klase ngayung 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐇𝐮𝐰𝐞𝐛𝐞𝐬) bilang pag-iingat, alinsunod sa umiiral na mga panuntunan sa class suspension at sa ibang antas, po kayo kaya magdala ng payong at kapote para hindi mabasa kung umulan man po mamaya.
Patuloy na mino-monitor ng Lokal na Pamahalaan ng San Guillermo, sa pamamagitan ng ating LDRRMO at sa pakikipag-ugnayan sa PAGASA, kung magbabago ba ang kalagayan ng panahon para matiyak ang kaligtasan ng ating mga mamamayan ng San Guillermo.ang kalagayan ng panahon.
Kung lalala ang lagay ng panahon, magkakaroon ng tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan, o tataas ang banta sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral at mga g**o, agad nating isasailalim sa suspensyon ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado. Maglalabas tayo ng opisyal na anunsyo sa lalong madaling panahon upang mabigyan ng sapat na oras ang lahat na makapaghanda.
Hinihikayat ang lahat na manatiling kalmado, maging mapagmatyag, at sa opisyal na anunsyo lamang ng Lokal na Pamahalaan ng San Guillermo magtiwala.
Ang kaukulang 𝐄𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 (𝐄𝐎) ay ipo-post mamaya sa araw na ito.