05/04/2026
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng panauhin, lider, at mamamayan na nakiisa sa โ๐ฑ๐ฌ๐น๐ฐ๐ช๐ฏ๐ถ ๐พ๐จ๐ณ๐ฒ ๐๐ ๐จ๐ต๐ป๐ฐ-๐ซ๐น๐ผ๐ฎ ๐จ๐พ๐จ๐น๐ฌ๐ต๐ฌ๐บ๐บ ๐ช๐จ๐ด๐ท๐จ๐ฐ๐ฎ๐ตโ. Ang inyong presensya ay malinaw na patunay na ang laban kontra ilegal na droga ay hindi lamang responsibilidad ng iilan, kundi ng buong komunidad.
Sa bawat hakbang na ating tinahak, dala natin ang panalangin, pag-asa, at matibay na paninindigan para sa isang ligtas at mapayapang kapaligiran. Ang pagkakaisa ng ibaโt ibang sektor - BARANGAY OFFICIALS, BARANGAY WORKERS (BNS, BHW, Tanod, Utility) SK OFFICIALS, KKDAT OFFICERS, MEN IN UNIFORM (Police Officers), PASTORS, Members of CHOSEN GENERATION CHURCH, SCHOLARS,
YOUNG PEOPLE, at ibang pang mamamayan ng Barangay Lullutan. Sila ay nagpakita na kaya nating magtulungan upang protektahan ang kinabukasan ng bawat isa, lalo na ng ating kabataan. TANDAAN NATIN: Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa ating sarili, ngunit mas napapalakas ito sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos.
Sa ating pagkakaisa, makakamit natin ang isang komunidad na malaya sa droga, puno ng pag-asa, at may matatag na kinabukasan. DAKAL NGA PABBALO-BALO anna KANI YAFU TAM NGA DIYOS Y NGAMIN NG DAYAW!