02/06/2026
๐ ๐๐๐๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ข ๐ฆ๐๐ก๐ ๐ช๐ข๐ฅ๐ง๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐ก๐, ๐๐๐๐ข ๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐ง๐๐๐-๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐ก๐๐ฆ ๐ฆ๐จ๐ฅ.
Minsan kasi, hindi naiintindihan ng iba kung gaano kabigat ang magpunta sa Kongreso para lang magsalita.
Ang mga taong nasa litrato na ito ay hindi mga artista, influencer, o makapangyarihang tao. Mga ordinaryong residente sila ng Siruma. Mga Agrarian Reform Beneficiaries. Mga opisyal ng barangay. Mga taong matagal nang nananahimik habang may mga bagay na nangyayari sa kanilang komunidad na pakiramdam nila ay hindi napapansin.
At kahapon, bumiyahe sila nang mahigit 14 oras mula sa isang malayong coastal community sa Siruma para makarating sa House of Representatives. Hindi para manggulo. Hindi para magpasikat. Kundi para lang marinig.
Kasama nila sa mga pagpupulong sina Punong Barangay Bavel Arevalo ng Brgy. San Ramon, ilang barangay officials, mga residente, at mga ARBs na direktang naaapektuhan ng isyu ng landgrabbing na matagal na nilang ipinaglalaban.
Sa unang meeting, humarap sila kina Cong. Eleanor Bulut-Begtang, Chairperson ng Committee on Agrarian Reform, at Committee Secretary Rita Flores-Macabulos upang talakayin ang kalagayan ng mga residente at ang nalalapit na Congressional Investigation in aid of legislation.
Sa ikalawang meeting naman, nakausap nila sina Cong. Leila De Lima, Cong. Chel Diokno, at Cong. Renee Co. Hindi lang sila nakinig โ ipinahayag din nila ang kanilang suporta at partisipasyon sa nalalapit na imbestigasyon.
Sa totoo lang, maraming taga-Camarines Sur ang sanay nang matalo bago pa man magsimula. Sanay nang isipin na kapag ordinaryong tao ka, wala ka talagang laban. Kapag nasa malayong bayan ka, mas madaling hindi mapansin. Mas madaling mapagod. Mas madaling sumuko.
Kaya mahalaga itong nangyari.
Hindi dahil siguradong panalo na sila. Hindi dahil solved na agad ang problema. Kundi dahil sa wakas, may mga taong tumayo at nagsabing: โHindi kami papayag na manahimik na lang.โ
๐๐ต ๐ฃ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ช๐ฏ๐ข๐ต๐ข๐ธ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ณ๐ต๐ช๐ฅ๐ฐ ๐๐ช๐ด๐ต๐ณ๐ช๐ค๐ต, ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฑ๐ถ๐ธ๐ฆ๐ฅ๐ฆ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ด๐ต๐ข ๐ฎ๐ข๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฅ ๐ฏ๐ข ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ช๐ญ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฌ๐ช๐ณ๐ข๐ฎ๐ฅ๐ข๐ฎ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข๐ธ๐ข๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐ฑ๐ข, ๐ด๐ฆ๐จ๐ถ๐ณ๐ช๐ฅ๐ข๐ฅ, ๐ข๐ต ๐ฃ๐ฐ๐ด๐ฆ๐ด. ๐๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ณ๐ฅ๐ช๐ฏ๐ข๐ณ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ข๐ณ๐ข๐ฑ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ถ๐ธ๐ฆ๐ณ๐ด๐ข, ๐ฎ๐ข๐ด ๐ญ๐ข๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ต๐ถ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช๐จ ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข. ๐๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ฅ๐ช๐ฏ๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐๐ฐ๐ฏ๐จ๐ณ๐ฆ๐ด๐ฐ. ๐๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ด๐ช๐ฏ๐ช๐ด๐ช๐จ๐ถ๐ณ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ณ๐ช๐ณ๐ช๐ฏ๐ช๐จ ๐ด๐ช๐ญ๐ข. ๐จ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
Gusto ko ring pasalamatan ang mga tinatawag ko ngayong community defenders ng Siruma: si Punong Barangay Bavel Arevalo ng San Ramon, Mayor Karen Polinga, ang buong LGU Siruma, Atty. Diane Trivino, at Randall Dagooc. Lahat sila pinipiling tumindig araw-araw kasama ng mga residente sa gitna ng hirap, pagod, at matagal na laban na ito.
At sana maintindihan natin kung gaano kalaking bagay iyon.
Sa panahon ngayon na maraming Pilipino ang nawawalan na ng tiwala sa sistema, may mga taga-Siruma na pinili pa ring lumaban sa tamang paraan. Nagpunta sila sa Kongreso. Humarap sila. Nagkwento sila. Umasa sila na baka sakaling may makinig.
At para sa akin, mahalaga iyon hindi lang para sa Siruma kundi para sa buong Camarines Sur. Dahil matagal nang maraming taga-Camarines Sur ang pakiramdam ay wala silang boses.
๐๐ข๐ฉ๐ข๐ฑ๐ฐ๐ฏ, ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ช๐ต ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ข๐ฏ๐ฐ, ๐ฏ๐ข๐ณ๐ช๐ฏ๐ช๐จ ๐ด๐ช๐ญ๐ข.