Lakwatsero Caviteño

Lakwatsero Caviteño BLOG ABOUT FOOD,TRAVEL,CULTURE,HERITAGE,ART AND HISTORY,CURRENT EVENTS,POP CULTURE IN AND OUT OF CAVITE TRAVEL/FOOD/HISTORY/EVENTS/HERITAGE/CULTURE VLOG/BLOG

Malagasang Imus your favorite neighborhood coffee fix is officially back and better than ever! Tara na sa But First Coff...
04/09/2026

Malagasang Imus your favorite neighborhood coffee fix is officially back and better than ever! Tara na sa But First Coffee Malagasang☕️

‼️Grand Opening This Sept 5 2026‼️

🇻🇳Avail their Opening promo na for Only 99 Pesos May two 16 oz Vietnamese Coffee ka na! Two 1 Litters Vietnamese Coffee for only 350 pesos Two 16 oz Expresso Based for only 199 Pesos

Dahil dasurv mo mag-coffee break ngayon, daan na sa But First, Coffee - Malagasang! Hindi lang masarap ang brews nila, napaka-affordable pa!

✨️Must Try's Foods & Drinks

🍫1L Iced Love Choco - 199 Pesos

🇪🇸16oz Hot Spanish Latte - 140 Pesos

🍏Jar Green Apple Fruit Soda - 170 Pesos

🍰Red Velvet Cake - 195 Pesos

🍩Oreo Dougnut - 110 Pesos

🍮Ensaymada Caramel - 110 Pesos

🧀Baked Mac - 220 Pesos

🍛Beef Tapa Rice Meal- 210

🥢Tonkatsu Rice Bowl - 220

🐮Garlic Pepper Beef Rice Bowl - 220

🍝Creamy Pesto - 220

📍 Where: Unit 5, The Alley II, cor. Pedro Reyes St. (Petron Pedro Reyes), Malagasang I-G, Imus City, Cavite (Dine-in and Takeaways available)⏰ Hours: 9:00 AM - 8:00 PM (Soft Opening hours)📱 Page: But First, Coffee - Malagasang, Imus

Naka Simba ka na ba dito sa Our Lady of Lourdes Parish Church Tagaytay⛪️🙏Ang Our Lady of Lourdes Parish Church sa Tagayt...
03/09/2026

Naka Simba ka na ba dito sa Our Lady of Lourdes Parish Church Tagaytay⛪️🙏

Ang Our Lady of Lourdes Parish Church sa Tagaytay City ay itinatag noong 1940 sa ilalim ng pamamahala ng mga paring Capuchin Franciscan. Ang simbahan ay naging isa sa pinakasikat na pilgrimage site, simbahan para sa mga kasal, at espirituwal na takbuhan sa lalawigan ng Cavite.

Ito ay nakatuon sa serye ng aparisyon ng Mahal na Birheng Maria kay San Bernadette Soubirous sa Lourdes, France noong 1858.

📌 Mahahalagang Bahagi ng KasaysayanPagtatatag

💒 (1940): Pormal na sinimulan ang parokya bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang magsilbing sentro ng pananampalataya sa lumalaking komunidad ng Tagaytay.

Ang Pamamahala ng mga Capuchin: Ang mga Ordeng Capuchin (OFM Cap.) ang unang nangalaga sa simbahan at nagpalaganap ng debosyon sa Our Lady of Lourdes sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, ito ay bahagi na ng Diocese of Imus.Solemn Consecration (2008): Noong Pebrero 11, 2008, kasabay ng ika-150 anibersaryo ng aparisyon sa Lourdes, opisyal na itinalaga at pinalawak ang pagiging sagrado ng simbahang ito sa pamumuno ni Archbishop Luis Antonio Tagle (na noo'y Obispo pa ng Imus).

🙏Sentro ng Pag Papagaling at Debosyon: Kilala ang parokya sa pagdagsa ng mga deboto tuwing Sabado at Linggo para sa mga healing mass at pag-aalay ng kandila sa kanilang sikat na candle chapel para sa ibat ibang Dasal at Kahilingan.

📍 Our Lady of Lourdes Parish in Tagaytay City is located at Tagaytay-Nasugbu Highway, Silang Junction North, Tagaytay City, 4120 Cavite, Philippines

Simoy Pasko is officially here! 🎄 ✨ Nothing says "Filipino Christmas" quite like a warm, freshly baked Bibingka. At Kung...
02/09/2026

Simoy Pasko is officially here! 🎄 ✨ Nothing says "Filipino Christmas" quite like a warm, freshly baked Bibingka. At Kung Pambatong O.g. Bibingka lang naman ang pag uusapan isa ang Madel's Special Bibingka ng Gentri ang Pambato namin! Na ngayon may Branch na sa Trece Martires!!

‼️With Free Unli Salabat pa yan ha‼️

Must Try's!

✨️Bibingka Classic
✨️Bibingka With Kesong Puti
✨️Bibingka Plain
✨️Bibingka Macapuno
✨️Bibingka Langka
✨️Bibingka Special

💜At Kung May Bibingka Siyempre May P**o Bumbong!

✨️P**o Bumbong Muscovado
✨️Muscovado, Cheese, Condense Milk
✨️Ube and Macapuno
✨️Ube, leche flan, cheese, & condensed milk

📍Trece Martires Branch Address:Purok 3, San agustin, Trece Martires City,Cavite(tapat lang ng wheeltek trece)

📍 Brgy. Governor Ferrer(Poblacion 1), General Trias City, Cavite

Operating hours 7:00am to 10:00 pm daily

Flood Control na Pasyalan pa! Perfect place for your Walking and Jogging Tara na dito sa Imus Retarding Basin! 🏞🏃‍♂️🍃🤝Tu...
01/09/2026

Flood Control na Pasyalan pa! Perfect place for your Walking and Jogging Tara na dito sa Imus Retarding Basin! 🏞🏃‍♂️🍃

🤝Turnover ceremony ng Imus Retarding Basin

Isinagawa ngayon araw ang turnover ceremony ng Imus Retarding Basin, na joint project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Japan International Cooperation Agency (JICA), dito sa Imus, Brgy. Anabu 1-G.

🌊Ang nasabing Retarding Basin ay idinisenyo upang pansamantalang mag-imbak ng sobrang tubig-ulan at pigilan ang biglaang pagbaha, at sa pamamagitan din ng sistemang ito, inaasahang mababawasan ang panganib ng pagbaha sa mga downstream communities sa paligid ng Imus River.

Ito ay may lawak na 35 Hectares na katumbas ng 49 Soccer Field at kayang mag Imbak ng 1.12 Mil Cubic Meter na katumbas ng 448 olympic Size Pools,

Bukod sa pangontra sa baha ay maaari din itong Pasyalan sa mga araw na Hindi Umuulan Perfect Spot to for Jogging, Walking o Simpleng Hang out Picnic place para mag pahinga may mga Benches at tables dito kung saan pwede Tumambay at mag kwentuhan

🔥Alfonso Siklab Handa ng Makipag Tagisan sa Maharlika Pilipinas Pickelball Tour! 🔥Handang handa na nga ang pinakamatindi...
31/08/2026

🔥Alfonso Siklab Handa ng Makipag Tagisan sa Maharlika Pilipinas Pickelball Tour! 🔥

Handang handa na nga ang pinakamatinding tropa mula sa upland town ng Cavite para mag-domina sa court!

Sama-sama nating suportahan ang pangarap at laban ng ating Alfonso Siklab Pickleball Team .Ito na ang Dream Team na magbibigay-sigla sa ating bayan

The Men’s Squad:

Kim Sazara (Picklebear) – International tennis and pickleball champion na mangunguna at magdadala ng bagsik sa koponan.

Red Directo – Deadly ang laro at laging handang magpakita ng intense court action.

Al Quiza – Matindi ang diskarte at pukpukan kung lumaban sa bawat rally.

Matthew Lao – Ang ating stellar homegrown talent na handang makipagsabayan sa mga bigating manlalaro.

The Women’s Squad:

Medelene Sazara – Pulido at maaasahan ang galaw sa doubles court.

Novi Melendez – Decorated pickleball athlete at coach na may dalang world-class experience.

Cindy Nuguit – Team captain ng Perpetual Help Altas tennis teams at Decathlon PH brand ambassador na punong-puno ng husay.

Dania Lee Abjuela – Ang patingkad nating homegrown talent na may pusong lumalaban para sa bayan.

Sabay-sabay nating isigaw ang tagumpay! Let’s go, Team Alfonso,Cavite!! 🏓💪🔥

Unli Samgyup + Unli Seafoods+ UnliWings Combo? And Picture Perfect Spot! Nandito lahat yan sa ‼️Unli Samgyup For as low ...
29/08/2026

Unli Samgyup + Unli Seafoods+ UnliWings Combo? And Picture Perfect Spot! Nandito lahat yan sa

‼️Unli Samgyup For as
low as 279 pesos‼️

🔥Hello, mga ka-Dasmariñas! Naghahanap ba kayo ng perfect spot para mag-food trip kasama ang barkada o pamilya nang hindi mabuburn-out ang wallet ninyo? Tara na mag-Grill 'n' Chill! 🤤🥩🍗

Sagot na nila ang nag-uumapaw na sizzling meats at crispy, flavorful chicken wings na talagang mapapa-extra rice ka!✨

Bakit patok sa Grill n' Chill - Unlimited Samgyupsal & Wings?

🥓Unlimited Samgyupsal – Makatas at de-kalidad na pork and beef na ikaw mismo ang mag-gigrill to perfection!

🍗Unlimited Chicken Wings –May iba't ibang flavors na swak sa panlasa mo (from sweet savory to spicy!).Unli Side Dishes & Rice – Dahil hindi kumpleto ang samgyup kung walang kimchi, cheese dip, at kanin!

📸Chill Vibe Picture perfect Spot– Swak na swak ang ambiance para sa mahabang kwentuhan, saktong relaxing space after a long day and Perfect for your Next i.G post!

Ano pang hinihintay ninyo? Ayain niyo na at i-mention mo na ang katropa mong laging gutom at ang pamilyang mahilig sa weekend feast! Kitakits tayo at mag-Grill 'n' Chill! 🥳

📍 Location: 246, Purok 3 1 Governor's Drive, Langkaan I, Dasmariñas, Cavite (In front of St. Francis Academy / sa likod ng Jejumart)

⏰ Operating Hours: Open Daily from 7:00 AM to 10:00 PM

May Gentri Branch Din sila Para sa mga Gentriseño!

📍General Trias Branch: Meridian Place Brgy. Pasong Kawayan 2 General Trias City,Cavite
(IN Front of LRM Electrical and near to 711 Heneral Uno Subd)

Operating Hours: Open Daily from 9:00 AM to 12:00 mn

Maligayang pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni San Agustin de Tanza at sa lahat ng mga taga-Tanza,Cavite at sa mga deb...
28/08/2026

Maligayang pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni San Agustin de Tanza at sa lahat ng mga taga-Tanza,Cavite at sa mga deboto!❤️💛🎉🎊🙏⛪️

Nawa ay magsilbi siyang inspirasyon upang laging mag-alab ang ating mga puso sa Diyos,Pagpalain nawa ang buong pamayanan ng Tanza ng kapayapaan, kalusugan, at pagkakaisa.

Muli Happy Fiesta Po saating lahat

(In Photos :Karakol para sa Kapistahan nk San Agustin de Tanza)

Looking for the perfect spot to unwind this weekend? 🍂 Windy Peak Cafe by Kuwago in Tagaytay is the ultimate mountain es...
27/08/2026

Looking for the perfect spot to unwind this weekend? 🍂 Windy Peak Cafe by Kuwago in Tagaytay is the ultimate mountain escape you’ve been searching for!

🦜Nestled in the cooler heights of Tagaytay, this hidden gem offers the perfect mix of freezing ridge breezes, rustic nature vibes, and comforting specialty coffee.

Whether you are looking to escape the toxic heat of the metro, catch up with your favorite barkada, or just want some peaceful solo time, this cafe will definitely give you that much-needed reset.

✨ Why You’ll Love It Here

🥶Freezing Ridge Breezes. Experience that signature cold Tagaytay weather while relaxing outdoors.

🍃Rustic Nature Vibes. Estetik spots everywhere, surrounded by lush greens and stunning views.Specialty Coffee.

☕️Carefully crafted brews that pair perfectly with the chilly mountain air.

Comfort Food. Savory meals and sweet treats that feel like a warm hug.

⛰️Gusto mo ba ng seryosong usapan, acoustic chill vibes, o space para mag-reflect? Solid ang outdoor seating area with Mountain View rito habang humihigop ng mainit na kape.

🌄At huwag nating kalimutan ang sunset at evening lights, grabeng dapit-hapon view ang naghihintay sa inyo.

Tara na? Drive na sa Tagaytay ngayong weekend! Tag your coffee buddy, your low-maintenance barkada, or your special someone in the comments below at i-plan niyo na ang inyong roadtrip. See you at the peak!

📍 Location: Kaykulot Road, Tagaytay City🕒 Cafe Hours:Monday to Friday: 3:00 PM – 11:00 PMSaturday & Sunday: 10:00 AM – 11:00 PMSee you for coffee, food, and the view! ✨

Parokya ng San Francisco de Malabon Pook ng Kasaysayan at pananampalataya🙏🇵🇭Alam niyo ba na ang St. Francis of Assisi Pa...
26/08/2026

Parokya ng San Francisco de Malabon
Pook ng Kasaysayan at pananampalataya🙏🇵🇭

Alam niyo ba na ang St. Francis of Assisi Parish Church (na mas kilala bilang San Francisco de Malabon Parish Church dito sa Lungsod ng General Trias, Cavite) ay isa sa pinakamatandang simbahan sa ating lalawigan? Itinatag ito ng mga Misyonerong Pransiskano noong taong 1611!

⛪️Maganda at Napaka tibay ng arkitektura nito dahil gawa ito sa estilong Earthquake Baroque—isang patunay kung paano ang mga lumang gusali noon ay ginawa upang makaligtas sa pagkaguho laban sa lindol.

🇵🇭Pero hindi lang basta lumang simbahan 'to, Umaga ng ika-12 ng Hunyo 1898. Unang Tinugtog Ang Pambansang Awit ng Pilipinas sa Patsada ng Parokyang ito sa Panahon ng (Alzada) Consecration na Pinangunahan ni Padre Manuel Trias. Bago pa Man ito tugtugin sa Balcon ni Hen. Emilio Agunaldo sa Kawit Cavite noong Hapon ng araw ding iyon.

lihim na inensayo ng Banda de San Francisco de Malabon ang Marcha Filipina ang himig ng ating Pambansang Awit (“Lupang Hinirang”) bago ito tugtugin sa araw ng Proklamasyon ng Kalayaan sa Kawit noong Hulyo 12, 1898!

Grabe lang isipin na, naging saksi ang mga pader na 'to sa ating kasaysayan at kalayaan.

🫡Trivia: alam nyo bang si G*t. Andres Bonifacio ay Nag Siyam na Araw na Nobena sa Mahal na Birhen at Kay San Francisco sa Parokyang ito upang ipagdasal at Magsumamo na Makamit ang Kalayaan ng ating Bansa. Kasama nyang Nag novena sila Gen. Mariano Alvarez, Gen. Mariano Trias, Diego Mojica, Gen. Artemio Ricarte, Col. Santos Nocon. At ang mga Kasapi ng Rebulosyunariong Paksyon ng Magdiwang.

🙏Sa Awa at Tulong ng Diyos ay magiging isa din ang Parokyang ito na Mapapabilang sa National Cultural Treasure at Diocesan Shrine of Saint Francis of Assisi.

Tara, bisitahin at pahalagahan natin ang ating mga Pamana at lokal na kasaysayan! Tara na sa Gentri! 🤍🇵🇭

Pinaka Bagong I.G. Worthy Flavored Chicken Spot and Cafe in Cavite na for Only 109 Pesos May 2 Big Flavored Chicken ka n...
25/08/2026

Pinaka Bagong I.G. Worthy Flavored Chicken Spot and Cafe in Cavite na for Only 109 Pesos May 2 Big Flavored Chicken ka na With Rice pa! Tara na dito sa Master Bufalo Bacoor!🍗🐔

✨️Ang Very Affordable Na Student Friendly Flavored Chicken ng sa Metro Manila nasa Cavite na! Dito lang yan sa Master Buffalo Bacoor! Dahil for As low as 109 Pesos Makakatikim ka na ng 2 Pcs Flavored Chicken na may Kasama ng Rice! Sulit na sulit talaga yan!

📸Very Insta Worthy din ang Branch nila sa Bacoor! Perfect for Your Selfies with your Barkada and Family!

🪙Must Try's Affordable Meals W/rice!

🍗Salted Egg W/ Honey Mustard
🇰🇷Korean Soy
🍋Lemon Pepper
🧀 Cheesy Bacon
⛄️Snow cheese
🔥Smoked Bbq
🧄Honeygarlic
🥩Burger steak

✨️Must try Sandwiches and Burgers
🍔Hawaiian burger
🥓Bacon burger
🥪Korean egg drop Spam
🥪Korean egg drop ham

🥤Must Try Drinks
Pink matcha
Meiji choco
Ube matcha
Pistachio choco latte

📍 Master Buffalo Molino is located at
Blk 3 Lot 11, San Miguel 1, Molino IV, Bacoor, Cavite
📌 Beside DALI and in front of Bellefort

🗓Monday-Thursday
⏰10:00 AM - 10:00PM
🗓️Friday-Sunday
⏰11:00 AM- 11:00 AM

Address

Indang

Telephone

+639321756110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lakwatsero Caviteño posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Lakwatsero Caviteño:

Shortcuts

Share