30/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
Isa sa pangunahing pangangailangan ng mamamayan ang langis o krudo na nagsisilbing dugo ng ating ekonomiya at lipunan sapagkat ito ang ginagamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika para makagawa ng mga produkto, sa transportasyon, sa produksyon ng pagkain, at sa iba pang sektor panlipunan. Dahil dito, anumang pagtaas sa presyo ng langis ay may direktang epekto sa presyo ng mga bilihin, pamasahe, at iba pang pangunahing serbisyo na ginagamit ng mamamayan sa araw-araw.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan, partikular sa pagitan ng Amerika at Iran, na nagdudulot ng pangamba sa suplay ng langis sa pandaigdigang merkado. Dahil dito, nagdeklara ang Pilipinas ng isang national energy emergency ngayong Marso 2026 upang matiyak ang suplay ng enerhiya at makahanap ng alternatibong pinagkukunan ng langis. Lubos na umaasa ang Pilipinas sa inaangkat na langis mula sa Gitnang Silangan, kung saan tinatayang humigit-kumulang 98% ng inaangkat na krudo ng bansa ay nagmumula sa nasabing rehiyon. Dahil dito, lubhang vulnerable ang bansa sa anumang kaguluhan o pagkaantala sa mga pangunahing rutang pandagat tulad ng Strait of Hormuz na dinadaanan ng malaking bahagi ng suplay ng langis sa buong mundo. Ang anumang pagkaantala sa suplay ay direktang nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng langis sa bansa, na agad namang nagpapataas ng presyo ng pamasahe, pagkain, kuryente, at iba pang pangunahing bilihin.
Malaki ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa sektor ng transportasyon, lalo na sa mga commuter at public utility vehicle drivers. Sa bawat pagtaas ng presyo ng diesel at gasolina, napipilitan ang mga drayber na magtaas ng pamasahe o magbawas ng biyahe dahil sa mahal na krudo, habang ang mga pasahero naman ay lalo pang nababaon sa gastusin sa araw-araw. Ang pagtaas ng pamasahe ay hindi lamang usapin ng transportasyon kundi usapin ng kabuhayan, dahil direktang nababawasan ang kita ng mga manggagawa at estudyante na araw-araw bumibiyahe. Sa ganitong sitwasyon, ang krisis sa langis ay nagiging krisis ng buong mamamayan.
Higit ding naaapektuhan ang sektor ng pangisdaan โ lubhang nakaasa ang mga mangingisda sa diesel para sa kanilang mga bangka upang makapaghanapbuhay sa dagat. Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, lumalaki ang kanilang puhunan sa bawat paglalayag habang hindi naman sigurado ang dami ng kanilang huli. Dahil dito, napipilitan ang maraming mangingisda na bawasan ang kanilang fishing effort o ang dalas at layo ng kanilang pangingisda upang makatipid sa krudo. Sa katotohanan, tila isang sugal ang bawat paglalayag nila sa dagat โ walang kasiguraduhan kung may sapat na huli upang mabawi ang gastos sa krudo. Dahil dito, lalong nababawasan ang kanilang kita at lalong lumalala ang kahirapan sa sektor ng pangisdaan at sa mga komunidad na umaasa sa yamang-dagat para sa kanilang kabuhayan.
Sa ganitong kalagayan, nararapat lamang na agarang kumilos ang pamahalaan upang maibsan ang pasanin ng mamamayang Pilipino. Isa sa mga maaaring hakbang ay ang pansamantalang pagsuspinde ng Oil Deregulation Law at ang pag-alis ng excise tax sa langis. Sa ilalim ng Oil Deregulation Law, malayang nakakapagtakda ng presyo ang mga kompanya ng langis batay sa galaw ng pandaigdigang merkado at hindi direktang nakikialam ang pamahalaan sa pagpepresyo. Sa panahon ng krisis, ang kawalan ng kontrol na ito ay nagiging dahilan ng mas mabilis at mas mataas na pagtaas ng presyo ng langis. Samantala, ang excise tax sa langis ay direktang ipinapasa sa mga konsyumer, kayaโt ang pagtanggal o pagsuspinde nito ay makatutulong upang mapababa ang presyo ng produktong petrolyo, pamasahe, at presyo ng mga bilihin. Maaaring magbigay din ng subsidiya sa pagbili ng krudo ang pamahalaan sa ibaโt ibang sektor ng lipunan para maibsan ang kanilang buhat-buhat na problema sa kita at pangaraw-araw na pangangailangan. Isa na rin tong rason upang taasan ang sahod ng ating manggagawang pilipino - iayon sa tumataas na bilihin gawa ng mataas na presyo ng langis. Ang implikasyon nito ay agarang ginhawa sa mga konsyumer, drayber, mangingisda, magsasaka, at iba pang sektor na lubhang nakaasa sa produktong petrolyo sa kanilang kabuhayan.
Kung kayaโt nananawagan ang UP College of Fisheries and Ocean Sciences, kasama ang UP Ichthyophilic Society at UP Fisheries Guild sa pamahalaan na mabilisan at agarang pagpapatupad ng konkretong hakbang upang protektahan ang kapakanan ng mamamayang Pilipino. Dapat unahin ang kapakanan ng taumbayan kaysa sa tubo ng malalaking kompanya ng langis o sa away pangpulitikal. Hinihikayat din namin ang ibaโt ibang sektor ng lipunan โ mga estudyante, manggagawa, drayber, mangingisda, at mamamayan, na magkaisa at manindigan laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mga polisiyang lalo lamang nagpapahirap sa mamamayan. Ang krisis sa langis ay hindi lamang usapin ng ekonomiya, kundi usapin ng kabuhayan, katarungan, at karapatan ng mamamayan.
๐ฟ๐๐พ๐๐ผ๐๐ ๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐ ๐๐๐!