24/09/2025
: Ang huling batch ng Technical Guidance Session on the Preparation of Cluster Development Plans ay naisakatuparan noong Setyembre 15-19, 2025 sa Dreamers Valley Camp and Resort, Beunavista, Tigbauan, Iloilo. Ang pagsasanay na ito ay nilahukan ng pitong Agricultural Extension Workers at 26 farmer leaders na may kabuuang 33 na mga kalahok mula sa walong clustered associations at LGUs ng Guimaras at Iloilo.
Ang aktibidad na ito ay humasa sa kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa kani-kaniyang Cluster Developments Plans na siya nilang gagamitin sa pagpapalago ng kanilang mga asosasyon sa pamamagitan ng pagsali sa iba’t-ibang proyekto at pagnenegosyo.
Ang mga kalahok ay ginabayan ng mga resource persons kabilang sina G. Clark N. Melendres, Interim Chief, ACEDD/ Focal Person ng DA-F2C2 Program ng Western Visayas, G. Nicole G. Macuja, Organizational Development Officer, F2C2 at G. Eduardo T. Tresico, Farmer Leader/LSA Cooperator – Dreamers Valley Camp and Resort.
Ilan sa mga impormasyong natutunan ng mga kalahok ay Principles of CDP, Cluster Profile, SWOT and TOWS Analysis, Formulation of Vision, Mission, Goals and Objectives, Monitoring and Evaluation at iba pa. Nagkaroon din ng pagkakataong maitanghal ng mga kahalok ang kanilang nagawang CDP na siya namang ginabayan ni G. Nicole G. Macuja upang maisaayos pa nila ang kanilang mga output.
Sa huli, ang mga magsasaka ay nagpapasalamat sa oportunidad na maging kalahok sa training na ito at sila ay natulungang magawa ang kanilang CDP na kanilang magagamit sa pagpapalago ng kanilang asosasyon.
🌿🍃 Para sa iba pang mga balita at anunsyo, i-LIKE, i-FOLLOW, at i-SHARE ang aming opisyal na mga social media pages:
📘 Facebook: https://www.facebook.com/atirtc6
📺 YouTube: https://www.youtube.com/
📸 Instagram: https://www.instagram.com/atiregion6/
🐦 X (dating Twitter): https://x.com/atiregion6
Bisitahin ang aming opisyal na website para sa iba pang impormasyon: https://ati.da.gov.ph/ati-6/