25/08/2026
Labing-apat na pelikula mula sa siyam na paaralan mula sa Rehiyon 1 ang sumailalim sa Screening and Judging na isinagawa ng Department of Agrarian Reform Ilocos Region para sa PelikulAgraryo 2026 noong Agosto 19โ21 sa Laoag City, Ilocos Norte.
Kabilang dito ang limang pelikula mula sa Ilocos Sur - dalawa mula sa University of Northern Philippines (UNP) at tatlo mula sa Ilocos Sur Polytechnic State College (ISPSC). Apat ang nasa ARB Category, habang isa naman ang nasa ARBO Category.
Bawat pelikula ay may sariling kuwento, sariling paraan ng pagkukuwento, at sariling mensaheng nais ipaabot. Sa isinagawang Screening and Judging ng PelikulAgraryo 2026, naging bahagi ng Board of Judges sina Director Zig Dulay bilang Chairman, kasama sina Director Edsel Harry Turda at Assistant Secretary James Arsenio Ponce, CESO III ng DAR Support Services Office, na naglaan ng panahon upang panoorin at bigyang-pansin ang mga likhang pelikula ng ating mga kabataang filmmaker.
Nakiisa rin sa aktibidad si Regional Director Maria Ana B. Francisco, CESO III, kasama sina Director III and Concurrent PARPO II Engr. Vic M. Ines, PARPO II Jessamine Jimenez, JD, ng Ilocos Norte, at Provincial Agrarian Reform Adjudicator Atty. Melvyn Guillermo ng West Pangasinan.
Sa pagtatapos ng Screening and Judging, kinilala ang mga pelikulang nangibabaw sa ARB at ARBO Categories para sa mga parangal na Best Film, Best Director, Best Actor, Best Actress, Best Cinematography, Best Editing, Best Screenplay, Best Teaser, at Best Poster.
Abangan ang PelikulAgraryo Regional Gala para sa pagkilala sa mga nagwagi.
Limang pelikula mula sa Ilocos Sur, limang kuwentong may sariling tinig at mga kabataang ginamit ang kanilang talento upang bigyang-buhay ang mga kuwentong may kaugnayan sa ating mga magsasaka.
๐ท Kuha nina Bon Salazar at Giovani Valdriz