LTO Western Aklan District Office - Ibajay

LTO Western Aklan District Office - Ibajay Official page of LTO Western Aklan (Ibajay) District Office

04/09/2026
04/09/2026
See you again tomorrow Boracaynons! πŸ’™
04/09/2026

See you again tomorrow Boracaynons! πŸ’™

πŸ“’ PAALALA SA PUBLIKO

Magkakaroon ng LTO Outreach Program sa Boracay Island sa mga sumusunod na serbisyo:

1️⃣ Smoke Emission Testing at Vehicle Registration Renewal
2️⃣ Releasing of Vehicle Plate Number
3️⃣ Releasing of E-Trike Plate Number

πŸ“ Venue: BLTMPC Compound, Manoc-Manoc, Malay, Aklan
πŸ•˜ Time: 9:00 AM – 4:00 PM

Inaanyayahan ang lahat ng may transaksyon sa LTO na magtungo sa nasabing lugar upang mapadali ang kanilang mga proseso.

Maraming salamat.

02/09/2026

𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐕, 𝐍𝐀𝐒𝐀𝐁𝐀𝐓 𝐍𝐆 π‹π“πŽ πƒπ€π‡πˆπ‹ 𝐒𝐀 ππ€π†π†π€πŒπˆπ“ 𝐍𝐆 ππ„πŠπ„ππ† 𝐀𝐅𝐏 𝐀𝐓 π‹π“πŽ 𝐏𝐋𝐀𝐓𝐄, ππ‹πˆππŠπ„π‘ 𝐀𝐓 𝐖𝐀𝐍𝐆-𝐖𝐀𝐍𝐆; πŒπ†π€ πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ πŠπ€πŠπ€π’π”π‡π€π

Dalawang sasakyan ang unang nasabat ng Land Transportation Office (LTO) ngayong buwan ng Setyembre matapos maaktuhang gumagamit umano ng mga pekeng plaka ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at LTO, bilang bahagi ng pinaigting na enforcement operations ng ahensya laban sa paggamit ng mga hindi awtorisadong plaka sa ilalim ng pamumuno ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.

Sa isinagawang operasyon, natuklasang nakatago sa loob ng mga sasakyan ang kanilang mga orihinal na plaka habang ang mga hindi awtorisadong plaka ang nakakabit at ginagamit sa kalsada, na umano’y nagbibigay ng impresyong may espesyal na awtoridad o pagkakakilanlan ang mga ito.

Bukod dito, nakumpiska rin sa mga nasabing sasakyan ang pekeng conduction sticker, mga blinker at β€œwang-wang,” na pawang isinailalim sa kaukulang beripikasyon at dokumentasyon ng mga operatiba.

Nakita rin sa mga sasakyan ang ilang sticker na may pangalan o nagpapahiwatig ng kaugnayan sa isang miyembro ng Kongreso. Kasama rin itong sinusuri upang matukoy ang pinagmulan at layunin ng paggamit ng naturang mga pagkakakilanlan.

Kaugnay nito, pansamantalang inilagay sa kustodiya ng LTO ang dalawang sasakyan at isasailalim sa kaukulang proseso, kabilang ang masusing beripikasyon ng kanilang mga dokumento, plaka, at iba pang nakumpiskang kagamitan at identification markings, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable at ang kaugnay na mga paglabag.

Ani Asec. Lacanilao, β€œHindi porke may kakilala ka sa gobyerno ay pwede ka nang gumamit ng pekeng plaka o pagkakakilanlan upang makaiwas sa batas-trapiko o magkaroon ng espesyal na pagtrato sa lansangan, maling-mali po iyon, kahit sinuman ang koneksyon mo sa gobyerno pantay po ang aming pagtrato sa lahat ng motorista.”

Mananatiling mahigpit ang LTO sa pagsasagawa ng malawakang enforcement operations at beripikasyon laban sa paggamit ng pekeng plaka at iba pang ilegal na kagamitan. Hinihikayat naman ng ahensya ang lahat ng motorista na gumamit ng wasto, lehitimo, at awtorisadong plaka at kagamitan, sumunod sa umiiral na batas-trapiko, at agad na ireport sa LTO ang mga kahina-hinalang sasakyan upang makatulong sa pagpapanatili ng ligtas, maayos, at pantay na kalsada para sa lahat.

02/09/2026

"𝑾𝑬 𝑾𝑰𝑳𝑳 𝑯𝑼𝑡𝑻 𝒀𝑢𝑼 𝑫𝑢𝑾𝑡":
ππ”ππ‹πˆπ‚ 𝐔𝐑𝐆𝐄𝐃 π“πŽ 𝐇𝐄𝐋𝐏 π”ππŒπ€π’πŠ π…πˆπ—π„π‘ π”π’π”π‘ππˆππ† π‹π“πŽ 𝐏𝐋𝐀𝐓𝐄𝐒 𝐑𝐄𝐋𝐄𝐀𝐒𝐄

The Land Transportation Office Region VI (LTO-6) is calling on the public to help identify a fixer targeting motorists seeking information and assistance on the new rules governing improvised and unauthorized license plates.

LTO-6 Regional Director Atty. Gaudioso P. Geduspan II specifically appealed for information that could help identify and locate an individual using the nickname β€œJam-Jam” in the Facebook group chat β€œIloilo Check Point Updates (LTO/HPG).”

Director Geduspan warned that LTO-6 will not let the matter die down and will continue pursuing the case until the individual is identified and appropriate action is taken.

β€œWe will hunt and track you down. We will not stop until we identify you and file the appropriate criminal charges against this unscrupulous individual,” Director Geduspan stressed.

LTO-6 is appealing to anyone with information that could help identify or locate the person to send a direct message. Information from the public could help authorities establish the individual’s identity and hold the person accountable.

Meanwhile, LTO Region-6 is also reminding motorists to be extremely cautious when dealing with people offering questionable services or transactions online, particularly those involving vehicle registration, documents, license plates, among others.

For their protection, motorists are urged to transact directly with the LTO-6 Regional Office and LTO District Offices.

02/09/2026

Address

Ibajay
5613

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO Western Aklan District Office - Ibajay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share