27/03/2026
Magandang araw po sa lahat!
Inaanyayahan po namin ang bawat isa na makilahok sa gaganaping Barangay Assembly sa ating lugar. Ito ay isang mahalagang pagtitipon kung saan tatalakayin ang mga programa, proyekto, at mga isyung may kinalaman sa ating komunidad.
📅 Petsa: March 29. 2026
⏰ Oras: 2pm
📍 Lugar: Cabugao Multi-purpose Hall Cabugao Ibajay Aklan
Ang inyong presensya at pakikilahok ay napakahalaga upang mapalakas ang pagkakaisa at maiparating ang inyong mga opinyon at mungkahi para sa ikauunlad ng ating barangay.
Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pagdalo!