09/08/2026
๐๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐ก๐๐ข๐๐๐๐, ๐๐๐ฃ๐๐-๐ช๐จ๐๐ฅ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐๐๐ฃ ๐๐ฟ๐๐๐๐พ ๐๐๐๐ฉ๐๐ฃ๐
Mas pinalakas at mas pinatibay na pagtugon sa kalamidad mula sa lebel ng barangay hanggang munisipyo ang naging pangunahing pokus sa isinagawang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) meeting sa MDRRMO Emergency Operations Center Building, Linggo, 9 Agosto 2026.
Dinaluhan ang mahalagang pagpupulong ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga puno ng kagawaran at opisina ng lokal na pamahalaan, mga Punong Barangay, mga kinatawan ng PNP, BFP, at DILG, maging ng mga kinatawan ng mga duly-accredited civil society organizations (CSOs) upang tiyakin ang mabilis aksyon at koordinasyon sa gitna ng banta ng masamang panahon.
Pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang pinakabagong ulat sa lagay ng panahon mula sa PAGASA at lokal na monitoring team, kasabay ng pagrepaso sa mga opisyal na pamamaraan ng komunikasyon at pag-uulat mula sa mga barangay patungo sa LGU. Isinagawa rin ang agarang pagpapatupad ng OPLAN ๐ommunity ๐ction for ๐ฆtrategic ๐lliance and ๐ฆustainable Environment of Ibaan upang palakasin ang pangmatagalang kaligtasan, kahandaan, at kalinisan ng bayan.
Bukod dito, binigyang-diin ang patuloy na pag-monitor at mabilis na pag-asikaso sa mga naiulat na insidente sa bawat barangay.