02/03/2026
HANDOG EDUKASYON para sa mga G**o at Kabataang Zambaleño: Mahigit 1042, nabigyan na ng Educational Assistance
Kabuuang 1042 na mga g**o at kabataang Zambaleño ang pinagkalooban ng educational assistance ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales—kabilang dito ang 207 na nasa Review Center at 118 na nasa Self – Review para sa Board Exam. Kabuuang 515 naman ang ating nabigyan para sa Master’s Degree at 202 ang nasa Doctorate Degree.
Kasabay rin ng pamamahagi para sa mga Empleyado ng ating pamahalaang panlalawigan na nasa Board Exam, kukuha ng Masters at Doctorate degree.
Dumalo sa nasabing programa si BM Rundy Ebdane bilang kinatawan ni Gob. Jun Ebdane. Layunin ng programang ito na masuportahan ang mga g**o at mag-aaral sa kanilang hangaring makapagtapos nang may karangalan at makamit ang kanilang mga pangarap.
Ang programang Handog Edukasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales sa pamumuno ng ating butihing, Gob. Jun Ebdane ay patuloy ang paghahatid ng mga serbisyong pang-edukasyon na tunay na abot-kamay para sa mga kabataang Zambaleño.