LGU IBA - General Services Office

LGU IBA - General Services Office This is the official page of General Services Office of LGU Iba. For inquiries, kindly send us a message!

For more updates on our local government, like and follow our main FB page: LGU IBA

04/06/2026
Ang Office of the Mayor, katuwang ang Office of Social Welfare and Development Services ng Iba, ay nagdaos ng isang sere...
04/06/2026

Ang Office of the Mayor, katuwang ang Office of Social Welfare and Development Services ng Iba, ay nagdaos ng isang seremonya ng pagkilala at paglipat ng tungkulin para sa mga local Child Development Workers.

Sa nasabing aktibidad, iginawad ni Hon. Irenea Maniquiz-Binan ang mga Plaque of Appreciation at cash gift sa dalawang nagretirong manggagawa mula sa Amungan I at ABS-CBN Eco Village Child Development Centers bilang pasasalamat sa kanilang maraming taon ng serbisyo.

Kasabay nito, opisyal ding kinilala ng ating Mayor ang tatlong Child Development Workers mula sa Barangay Sto. Rosario, Amungan II, at San Agustin na nakapagtapos ng TESDA Early Childhood Care and Development (ECCD) NC III training program.

Matapos nito, dalawang bagong Child Development Workers ang pormal na itinalaga bilang mga kapalit upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo para sa pangangalaga ng mga bata sa kani-kanilang mga sentro.

June 3, 2026
Iba Municipal Hall

04/06/2026
03/06/2026

𝐄𝐧𝐯𝐢𝐫𝐨𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝟐𝟎𝟐𝟔

"𝑶𝒖𝒓 𝑬𝒏𝒗𝒊𝒓𝒐𝒏𝒎𝒆𝒏𝒕, 𝑶𝒖𝒓 𝑭𝒖𝒕𝒖𝒓𝒆." 🌿

Ang 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗨𝗻𝗶𝘁 (𝗘𝗡𝗥𝗠𝗨) ay kaisa ng buong bansa sa paggunita ng 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝗴𝗶𝗿𝗮𝗻 ngayong Hunyo 2026. 💚

Ang buong buwan na ito ay paalala sa atin na ang bawat desisyon at kilos natin ay may epekto sa kinabukasan. 𝗔𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝗴𝗶𝗿𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝗯𝗶𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 — 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗶𝗶𝗹𝗮𝗻. Kung aalagaan natin ngayon ang kalikasan, gaganda rin ang buhay ng mga susunod na henerasyon. ✨

02/06/2026
02/06/2026

𝗣𝗜𝗦𝗢 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡 𝗚𝗢𝗘𝗦 𝗧𝗢 𝗜𝗕𝗔, 𝗭𝗔𝗠𝗕𝗔𝗟𝗘𝗦! 📌

Mga taga-Iba, ipapalit ng bago o malinis na pera ang inyong mga marurumi o sira-sirang* pera sa malinis at maayos na salapi sa Piso Caravan Booth ng Landbank, Producers Savings Bank, PNB-Iba Branch, Zambales Rural Bank, at CARD MRI Rizal Bank. Ang mga bangko na ito ay kabilang sa Currency Exchange Centers ng BSP.

Ang aktibidad na ito ay gaganapin kasabay ng paglulunsad ng Paleng-QR Ph Plus Program sa munisipalidad ng Iba.

Magkita-kita tayo sa 03 June 2026, sa New Iba Public Market, Brgy. Dirita-Baloguen, Iba, Zambales, mula 10:00 a.m.

*Susuriin ang pera base sa 3S (size, signature at security thread) na pamantayan ng BSP.


02/06/2026

𝗟𝗮𝘂𝗻𝗰𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗣𝗮𝗹𝗲𝗻𝗴𝗤𝗥 𝗣𝗛 𝗣𝗹𝘂𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗠𝗘𝗧𝗥𝗢 🛒📱

Makiisa sa Launching of PalengQR PH Plus and Project METRO bukas, Hunyo 3, 2026, 10:00AM sa ating Municipal Public Market!

Ang PalengQR Ph Plus ay isang programa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagtataguyod ng mas mabilis, ligtas, at maginhawang cashless transactions gamit ang QR Ph sa mga pampublikong pamilihan, transportasyon, at iba pang negosyo.

Kasabay nito ang Project METRO (Monitoring, Enforcement & Tracking Resource Online), isang digital compliance system na binuo ng DTI Zambales at Gordon College upang gawing mas moderno, transparent, at episyente ang market monitoring, fair trade enforcement, at paghahatid ng serbisyo publiko.

Ang programang ito ay hatid ng pakikipagtulungan ng BSP, DILG, DTI, DICT, Gordon College, at LGU Iba bilang bahagi ng pagsusulong ng digital transformation at mas maayos na serbisyo para sa ating mga negosyante at mamimili.



Address

Purok 1 Dirita-Baloguen
Iba
2201

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU IBA - General Services Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share