Ang samahan ay nag-ugat bilang pang kulturang samahn sa ilalim ng Sta. Ana Parish Youth Formation Center. Ang SENGKABAN ay nag simula bilang grupong pang-tanghalan na tinawag na DULAANG KABATAAN NG HAGONOY (DUKHA) noong 198,na siyang naglulunsad ng mga pamparoyang gawain na may kinalaman sa teatro o dulaan. Kaalinsabay nito ay mayroon pang dalawang (2) grupo sa ilalim ng PYFC, ang PINTIG na layon
ay imulat at ipaalam sa kabataan ng Parokya ni Sta. Ana ukol sa kalagayang pang-lipunan, sa pamamagitan ng paglilimbag ng newsletter. Samantalang ang STA. ANA PARISH YOUTH CHOIR (SAPYC) ay nagsimula bilang magkakaklase ng St. Anne's Academy na naglilingkod sa parokyang tatlong grupo na ito ay kumikiloss nindipendyente sa isa't-isa na walang isang layunin. Noong huling bahagi ng 1983 ay nasimulan ang konsultasyon sa pagitan ng mga llider ng bawat grupo. At dito ay pinag isa ang kanilang mga layunin at bisyon para magtatag ng isang mulat na samahang pang kultura. Unti-unti ay lumalim ang pagkakaintindi nito sa kanilang gampanin sa lipuann at sa kanilang mga kasapi bilang mga instrumento ng ebanghelisasyon. Mulat sa kanilang malaking gampanin, ang mga kasapi ay dumaan sa mga gawain upang palalimin ang kanilang kamulatang pang-kultura at pang-lipunan. Kaya ang mgakasapi nito ay naging aktibo sa paglahok sa mga pang-sektoral na pagkilos, nanood ng mga dula, sumailalim sa mga pagsasanay na pang-dulaan. Ang masusing diskusyon ng script ng anaumang pagtatanghal ay isang bagay na dapat isakatuparan bago ito itanghal.Nagtanghal mga dulang pang lansangan, bumigkas ng tula, at umawit ng makabayang awit sa gitna ng mga pananakot ng estado at militar. Kaya nga ang grupo ay binasagan bilang "tibak" o subersibo.