30/03/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐
Ang buhay nina Marina Peรฑa, Maria Pasibe, Restituta Esplana-Margarito Caro, at Felicitas Paronda Pentecostes.
Isang pag-alala sa ilang mga matatapang na kababaihang nagbigay pag-asa sa Partido, Camarines Sur, noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bilang paggunita sa National Womenโs Month.
MARSO, ang buwan para sa pambansang paggunita sa natatanging lakas at puso ng mga kababaihan sa lipunan. Sa mahabang panahon, napailalim sa nakakasulasok na mukha ng diskrimasyon at segregasyon ang mga kababaihan. May mga puntong sila ay pinagkaitan ng karapatan sa ibaโt ibang aspetoโmula sa pagdinig ng kanilang boses hanggang sa pagkilala sa kanilang kakayahan bilang isang tao. Lumipas ang maraming siglo ay unti-unti nilang nakakamit ang liberalisasyon mula sa nakakasiphayong kahapon. Subalit hindi pa rin maipagkakaila na humihinga pa rin sila sa isang mundong kailangan pa rin nilang ipaglaban ang kanilang buong karapatan, kahit kusa naman dapat itong ibigay sa kanila.
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐).
Sa kasulok-sulukan ng ating kasaysayan, hindi lang kalalakihan ang lakas-loob na hinamon ang sistema ng kolonyalismo. May mga kababaihang tumindig din upang gabayan ang bayan sa pagbangon mula sa kamay ng imperyalismong pamumuno. Kabilang dito ang mga nakaligtaang babaeng bayani na sina ๐ด๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐, ๐ด๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐, ๐น๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐-๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐, at ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐
๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
Sa panahon ng digmaan, limitado na lamang ang bilang ng mga propesyonal sa larangan ng panggagamot. Naapektuhan nito ang mga operasyon ng mga gerilya lalo paโt dugoโt buhay ang balang nakapusta sa bawat engkuwentro. Ang mga sundalong gerilyang Pilipino na nagtamo ng sugat at pasa sa kalagitnaan ng digmaan ay nakaranas ng malasakit mula kay Marina Pena.
Dahil kay Marina, isang babaeng bayani na nagpakita ng katapangan at malasakit, kasama ang iba pa niyang kasamahan, ay tila umusbong ang isang bagong pag-asa. Kabilang sa mga serbisyong ginampanan ni Marina ay ang pagbibigay ng pangunang lunas (first-aid) at karampatang gamot sa mga sugatan at may sakit na gerilya. Hinarap niya ang panganib upang maghatid ng tulong sa mga mandirigmang nasugatan at nanghina habang sila ay nakikipaglaban sa mga Hapon.
HINDI LANG KILALA ANG BARANGAY SAN RAFAEL NG TIGAON, CAMARINES SUR, BILANG ISANG MAGANDANG LUGAR; ITO RIN AY USBUNGAN NG MGA BAYANING MAY PAGSINTA SA BAYAN.
Gaya ni Marina, si Maria Pasibe, na anak ng Barangay San Rafael, bayan ng Tigaon, ay isa rin sa mga maituturing na babaeng may natatanging lakas ng loob at katapangan dahil handa itong magbuwis ng buhay upang magbigay ng lunas (medic) sa mga gerilya mula sa Camp Isarog na pinamumunuan nina Colonel Teofilo Padua at Major Lorenzo Padua.
Katulad ng karamihan, ang giyera ay nagbigay din ng kapaitan sa buhay ni Maria at kaniyang mga babaeng kapatid, lalo na noong natunghayan niya na sila ay pinaghahanap ng mga Hapon. Matapos nilang bumalik sa kanilang tahanan matapos ang liberasyon, natagpuan nila na wala na ang kanilang mga ari-arian.
SA GITNA NG PAGDANAK NG DUGO AY SIYA RING PAGDATING NG BABAENG NAGPAAGOS NG BAGONG LIWANAG SA PUSO NI ALBERTO ENCISO. Sa kasagsagan ng gulong nakakarimarim na dulot ng pandaigdigang digmaan, dumating ang pinilakang liwanag na nagbawas ng pighati sa buhay ng gerilya na si Alberto Enciso, isang gerilya na kasapi rin ng Camp Isarog, na siya ring naging asawa ni Maria.
Sa kabila ng dilim at panganib, ipinagpatuloy niya pa rin ang kaniyang paninilbihan bilang manggagamot sa mga sugatang gerilya. Ito ang kaniyang naging sariling laban, isang mahalagang gampanin na malaki ang naging epekto sa pag-atim ng mithiin ng ating mga bayani.
Hindi naging mabuti ang tadhana ni Maria at ng kaniyang mga babaeng kapatid sa kamay ng mga Hapon. Ngunit hindi nagpatinag ang kaniyang diwa sa kaniyang karanasang anino ng dalamhati; pinatunayan niya ang kaniyang tibay na harapin ang alimpuyo ng kaniyang nakaraan. Pinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral sa Naga College Foundation kung saan ay nakamit niya ang kaniyang digri sa kursong edukasyon. Kalaunaโy siya ay naging tanyag na g**o sa bayan ng Goa.
Ipinagpatuloy nila ni Alberto ang kanilang pagmamahalan at sila ay biniyayaan ng mga anak, kabilang ang dating kapitan ng Barangay Belen na si Antonio Enciso, na magtataguyod ng kanilang kuwento.
MULA SA BARANGAY BELEN, GOA, AY ISA PANG MATAPANG NA BABAENG BAYANI NA TILA BITUING NAGLIIWANAG SA LILIM NG KAWALANG PAG-ASA. Sa isang cultural mapping na isinagawa ni Dr. Maria Aurora Caballero, lumitaw ang mga panibagong kuwento ng inspirasyon, kagitingan, at pag-ibig. Kabilang dito ang natatanging pagsasalaysay sa naging buhay ni Restituta Esplana-Margarito Caro, ang babaeng hinandugan ni Adolfo Perfecto Caro, isang gerilya, ng kaniyang makatang dugo at buhay. Kasama ni Marina at Maria,nanilbihan din bilang isang nurse sa Camp Isarog si Restituta. Tinutulungan nila ang mga sugatan upang mailigtas ang mga ito mula sa kung ano pa mang mas delikadong kahihinatnan ng kanilang mga sugatang katawan.
Natagpuan sa pagmamay-ari ng mga anak nila Caro ang isang nebulizer. Ayon sa kanila, ginamit ito sa pagbibigay ng lunas noong panahon ng digmaan. Ang bagay na ito ay hindi lamang isang simpleng piraso ng kasaysayan; ito ay isang bakas ng mas malaking pag-aaklas. Isang tinig sa gitna ng nagsasalpukang ingay. Nagsasabing para maging isang babae ay para maging isang bulag at bingi. Hindi tinitingnan ang mga estereotipong nakatatak sa lupang kanilang tinatapakan. Hindi nagpapasiil sa mga nakakabinging sigaw ng mga pananaw tungkol sa kanila.
WALA MANG DIREKTANG PARTISIPASYON SA LABANAN AT PAGLUNAS, MAYROON DING MGA MAY TAHIMIK NA KONTRIBUSYON. Si Felicitas Paronda Pentecostes ay ang asawa ng gerilyang si Mattias Garcera Valencia. Dahil sa banta ng digmaan, napilitan silang magtago sa Adiangao, San Jose, habang ang haligi na si Mattias ay naiwan upang tumulong sa pakikibaka. Kinailangan niyang lumayo sa piling ng kaniyang minamahal, at tanggapin ang tungkulin ng pagiging amaโt ina upang maprotektahan hindi lang ang kaniyang mga supling, kundi pati na rin ang kaniyang asawa na nagsisikbing espiya sa mga Hapon. Ang responsibilidad sa pagpapanatiling ligtas, busog, at malinis ang kanilang mga anak ay nakapatong sa kanilang mga balikat.
Sa mga panahong ito ay hikapos ang bayan sa suplay ng mga pagkain at iba pang pangangailangan. Kayaโt isang suliranin din sa mga kababaihang nangangalaga sa kanilang pamilya ang pang-araw-araw na pamumuhay sa isang malayo at tagong lugar. Kailangan nilang maging matatag upang mabigyan pa rin ng masaganang buhay ang kanilang mga anak sa kabila ng takot sa digmaang nagaganap. Bukod sa mga putok ng baril at sigaw sa buhay na tinapos ng amunisiyon, malakas din ang ingay ng tahimik na laban sa kung paano huhubugin ang inosenteng mga mata sa kabila ng kadiliman.
Si Marina na ipinakita ang kaniyang hindi matatawarang serbisyo para sa mga gerilya, bilang tagapaghatid ng lunas, upang malakas nilang maisigaw ang pangalan ng Pilipinas. Hindi bilang isang estadong pagmamay-ari ng ibang lahi, kundi isang bansang may sariling kasarinlan.
Si Maria, na sa kabila ng masalimoot na pagtatago sa puwersa ng mga Hapon kasama ang kaniyang mga kapatid,ay patuloy pa ring naghatid ng pag-asa at boses sa adhikain ng sambayanang Pilipino.
Si Restituta na hindi nagpatinag sa mga itinakdang pananaw ng lipunan para sa mga katulad niyang babae. Sa halip ay ginawa niya itong sandigan upang ikandili sa kaniyang bisig ang kaniyang bayan.
Si Felicitas na ipinakita ang lakas ng isang babae, hindi lang sa pisikal na aspeto, kundi pati na rin sa mga anggulong kadalasang hindi napapansin ng lipunan.
Ang kababaihang ito ay ilan lamang sa mga nagpapatunay na ang lakas ng babae ay matatagpuan sa kaniyang mga desisyon sa buhay. Sa kung paano nito patuloy na pinapanindigan ang mga karapatang nakaukit sa kanilang laman at dugo, at sa paraan ng kanilang paglaban. Silaโy lumitaw sa gitna ng bangungot. Isang pamukaw sa marahas na sistemang nakagapos sa kolonyalismo. Kahit matutulis pa ang mata ng karamihan sa gampanin ng mga kababaihan noong mga panahong ito, hindi nila hinayaang makaapekto ito sa pagpaparamdam ng kanilang patriyotismo.
Mula sa pagsilang ay mayroon nang tila malaking pader na kailangang bagtasin ng mga kababaihan upang makilala sila bilang mga taong may sariling kakayahan at karapatan. Itoโy patuloy nilang aakyatin hanggang sa kanilang pagtanda. Sapagkat ang lipunan ay tila nakagapos sa isang parasitikong nangungurap ng utak ng mga tao, pinaniniwalang walang saysay ang peminismo sa bayan.
Dahil dito, ang buhay ng isang babae ay isang anyo ng paglaban. At ang paglaban para sa kanila ay isang hakbang patungo sa kasarinlan. Sa kanila nabubuo ang kuwento ng hindi masusukat-sukat na pag-asa na nagtatakda ng liwanag para sa mga kasulok-sulukan ng ating kasaysayan at hinaharap. At sa pagsuko ng araw sa takipsilim, sasabihin nito sa atin na ang puwang ng lipunan ay makikita sa buhay ng isang babae.
Batid naming mayroon pang marami pang mga kababaihan ang kumislap sa madilim na yugto ng digmaan ngunit hindi naisulat sa mga papel ng kasaysayan. Marami pa ang nagpakita ng kanilang tapang,ngunit hindi pa ito naitatala. Ang Daloy Isarog ay bukas sa mga naratibo tungkol sa mga kinaligtaang bayani ng ating bayan, partikular na sa Partido, Camarines Sur. Mangyari lang na itoโy ipagbigay-alam sa amin sa pamamagitan ng pag-message sa aming page.
__________
Ang mga impormasyon sa sanaysay na ito ay mula sa pinagsama-samang salaysay ng mga nina Angel Valencia (anak ni Felicitas Pentecostes), Antonio Enciso (anak ni Alberto Enciso at Maria Pasibe), Francia Pena (anak ni Marina Pena), at Edna Caro-Naron (anak ni Adolfo Caro at Restituta Caro).