Municipal Association of Rank and File Employees of Gloria

Municipal Association of Rank and File Employees of Gloria Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Association of Rank and File Employees of Gloria, Government Organization, Maligaya, Gloria.

21/09/2025

🩸✨ PAANYAYA PARA SA BLOODLETTING ACTIVITY ✨🩸

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-61 Taong Anibersaryo ng Bayan ng Gloria at ng Ika-22 Kawayanan Festival, ang Pamahalaang Lokal ng Gloria ay magsasagawa ng Bloodletting Activity sa darating na Setyembre 23, 2025 (Martes), mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. sa Kawit Covered Court.

πŸ“Œ Tema: β€œDugong Alay Ko, Sagip sa Buhay Mo”

Inaanyayahan po ang lahat ng kawani ng pamahalaan, mga g**o, kabataan, barangay officials, PNP, BFP, kasundaluhan, mga negosyante, at buong mamamayan ng Gloria na makiisa at maging bahagi ng gawaing makapagliligtas ng buhay.

πŸ’– Ang simpleng handog mong dugo ay maaaring maging daan upang may mailigtas na buhay at magbigay ng pag-asa sa iba.

🀝 Tara na, Glorianong nagkakaisa para sa buhay, pagmamahalan at bayanihan!

πŸ›’πŸ’™ Pagpupugay sa mga Lingkod-BayanBilang bahagi ng ika-24 na Anibersaryo ng Municipal Association of Rank and File Emplo...
28/08/2025

πŸ›’πŸ’™ Pagpupugay sa mga Lingkod-Bayan

Bilang bahagi ng ika-24 na Anibersaryo ng Municipal Association of Rank and File Employees of Gloria (MARFEG), nagbahagi ang samahan ng munting handog na grocery items para sa ating mga kapwa lingkod-bayan na nagretiro at nag-resign matapos ang mahabang panahon ng tapat na paglilingkod sa bayan ng Gloria. πŸ™Œ

Ito ay isang simpleng paraan ng aming pasasalamat at pagkilala sa kanilang sakripisyo, dedikasyon, at pagmamahal sa serbisyo publiko. 🫢

Tunay ngang hindi matutumbasan ang kanilang naiambag, at patuloy silang magsisilbing inspirasyon sa aming mga kasalukuyang kawani ng pamahalaan.

Mabuhay ang ating mga lingkod-bayan!
Mabuhay ang MARFEG@24: Serbisyong may Puso, Alay sa Lingkod-Bayan at Katutubo. ❀️

@24

Happy 24 th years of existence..Mabuhay
28/08/2025

Happy 24 th years of existence..Mabuhay

πŸ‘£πŸŽ’πŸ₯£ MARFEG Outreach for Malubay Elementary SchoolBilang bahagi ng ika-24 na Anibersaryo ng Municipal Association of Rank...
28/08/2025

πŸ‘£πŸŽ’πŸ₯£ MARFEG Outreach for Malubay Elementary School

Bilang bahagi ng ika-24 na Anibersaryo ng Municipal Association of Rank and File Employees of Gloria (MARFEG), naghatid tayo ng saya at malasakit para sa mga mag-aaral na katutubo mula Grade 1 hanggang Grade 6 ng Malubay Elementary School, sa pangunguna ng kanilang g**o Gng. Bonna Quirubin at Teacher-In-Charge, G. Jeffrey Labatete.

Kabilang sa aktibidad ang pamamahagi ng tsinelas at school bags para sa kanilang paglalakbay sa edukasyon, at isang feeding program upang bigyan ng dagdag lakas at sigla ang ating mga munting mag-aaral. 🌟

Isang munting alay na may pusong nagmamahal at naglilingkod, bilang bahagi ng ating temang β€œMARFEG@24: Serbisyong may Puso, Alay sa Lingkod-Bayan at Katutubo.” ❀️

Maraming salamat sa lahat ng tumulong at nakiisa upang maging makabuluhan ang araw na ito para sa ating mga kabataan. πŸ™Œ

@24


✨🀝 MARFEG@24: Serbisyong may Puso, Alay sa Lingkod-Bayan at Katutubo ✨Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-24 na Anibersa...
28/08/2025

✨🀝 MARFEG@24: Serbisyong may Puso, Alay sa Lingkod-Bayan at Katutubo ✨

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-24 na Anibersaryo ng Municipal Association of Rank and File Employees of Gloria (MARFEG), matagumpay nating naisagawa ang isang Outreach Program para sa ating mga kapatid na katutubo at kapwa lingkod-bayan.

Isang simpleng paraan ng pagbabalik ng biyaya at pagpapakita ng malasakit, na siyang tunay na diwa ng ating tema ngayong taon – β€œSerbisyong may Puso, Alay sa Lingkod-Bayan at Katutubo.” ❀️

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, nagbahagi, at naging katuwang upang maisakatuparan ang makabuluhang programang ito. πŸ’™

@24


MENSAHE MULA SA PANGULO NG MARFEG-Sir Atanacio Toledo "Maligayang ika-24 na taong Anibersaryo ng MARFEG!Sa pagdiriwang n...
27/08/2025

MENSAHE MULA SA PANGULO NG MARFEG
-Sir Atanacio Toledo

"Maligayang ika-24 na taong Anibersaryo ng MARFEG!

Sa pagdiriwang natin ng ating espesyal na okasyon, ipinagmamalaki kong ipakilala ang temang 'Serbisyong may Puso alay sa Lingkod Bayan at Katutubo'. Sa loob ng 24 na taon, naging bahagi tayo ng paghubog sa kinabukasan ng ating bayan sa pamamagitan ng serbisyong may malasakit at dedikasyon.

Sa ating mga miyembro, mga ka-partner, at mga komunidad na ating pinaglilingkuran, taos-pusong pasasalamat sa inyong walang sawang suporta at pagtitiwala. Patuloy nating ipagpatuloy ang ating misyon na magbigay-serbisyo nang may puso at malasakit sa ating mga kababayan, lalo na sa ating mga katutubo.

Mabuhay ang MARFEG! Mabuhay ang serbisyong may puso para sa bayan!

πŸ“Œ Noong Agosto 22, 2025, dumalo ang mga opisyal ng Municipal Association of Rank and File Employees of Gloria (MARFEG) s...
26/08/2025

πŸ“Œ Noong Agosto 22, 2025, dumalo ang mga opisyal ng Municipal Association of Rank and File Employees of Gloria (MARFEG) sa pagpupulong ng Komite sa mga Samahan at Iba pang Organisasyong Sibil.

πŸ‘‰ Bahagi ito ng proseso tungo sa pormal na pagkilala sa MARFEG bilang isang lehitimong samahan ng mga kawani sa Bayan ng Gloria.

✨ Isang mahalagang hakbang ito upang higit pang mapalakas ang boses at pagkakaisa ng mga empleyado ng ating munisipyo. πŸ’™

🀝 Courtesy Call to the Municipal MayorEarlier today, officers of the Municipal Association of Rank and File Employees of...
10/07/2025

🀝 Courtesy Call to the Municipal Mayor

Earlier today, officers of the Municipal Association of Rank and File Employees of Gloria (MARFEG) paid a courtesy call to Hon. Teresita M. Ong, Municipal Mayor of Gloria.

The visit aimed to reaffirm our commitment to support the municipal leadership and to promote the welfare, rights, and professional development of all rank-and-file employees.

We thank Mayor Ong for the warm welcome and her continued support to our association.

06/11/2024
03/11/2024

GLORIA ❀

22/10/2024

𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 π†πžπ«π¦πšπ§ "𝐁𝐒𝐭𝐨𝐲" 𝐃. π‘π¨ππžπ πžπ«π’π¨!πŸŽ‰πŸŽŠ

Sa araw na ito, kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong walang sawang paglilingkod at pagmamahal sa bayan ng Gloria. Ang inyong dedikasyon at malasakit sa bawat mamamayan ay tunay na kahanga-hanga at inspirasyon sa aming lahat.

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng kalusugan, kaligayahan, at tagumpay sa lahat ng inyong adhikain. Ang inyong pamumuno ay nagdudulot ng malaking pagbabago at pag-unlad sa ating bayan.

Isang mainit na pagbati ng maligayang kaarawan! Nawa'y maging masaya at makabuluhan ang inyong pagdiriwang.

Mabuhay po kayo, Mayor Bitoy!

Pagbati mula sa mga Glorianos at LGU Gloria Family!πŸ’š

Address

Maligaya
Gloria
5209

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Association of Rank and File Employees of Gloria posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share