05/03/2021
MGA BAGONG PATAKARAN PARA SA MGA UUWI O TUTUNGO SA BAYAN NG VICTORIA MULA SA IBANG LALAWIGAN, REHIYON O BANSA:
Bilang bahagi ng pag-iingat sa kalagayang pangkalusugan ng mga mamamayan sa panahon ng pandemya, magkakaroon pa rin ng on-line registration, acceptance at confirmation ng lahat ng papasok sa Lalawigan ng Oriental Mindoro at tutungo sa Bayan ng Victoria. On-line registration lamang po ang gagawin ng manlalakbay samantalang ang LGU ang kukuha ng acceptance at magbibigay ng confirmation message
Upang maging maayos ang daloy ng online registration at hindi kayo maging ligaw sa inyong pag-uwi o paglalakbay, mangyaring pakibasa muna po ng mga bagong patakaran na nakapaloob sa mga slides sa ibaba na siyang sumasagot sa maraming katanungan hinggil sa paglalakbay sa Lalawigan ng Oriental Mindoro patungo sa Bayan ng Victoria.
Narito po ang link na maaring gamitin ng lahat nang tutungo sa Bayan ng Victoria mula sa ibang probinsya, rehiyon o bansa:
https://forms.gle/aVvxnfwekwCKakoCA
Mangyari po lamang na magrehistro at maghintay ng confirmation message o Travel Coordination Pass (TCP), mula sa LGU Victoria bago magsimulang maglakbay upang hindi magkaroon ng problema sa inyong papasukan.
Mangyaring basahin din po mabuti ang lahat bago magparehistro at magbigay ng katanungan. Kung ang katanungang ay may kinalaman sa health at monitoring protocol, mas detalyadong paliwanag tungkol sa mga ROF/OFW o kinakailangang mag-follow-up sa confirmation o TCP, direktang makipag-ugnayan sa Municipal Health Office sa pamamagitan ng kanilang hotline 09278775023 at 09610304262.
Kung may sintomas ayon sa mandatory health and exposure assessment na ginawa sa pagpasok sa pantalan at nais malaman ang tungkol sa pagpapasundo, direktang makipag-ugnayan sa MDRRMO sa pamamagitan ng kanilang hotline 09568958728 at 09088974394.
Maaari ring tumawag sa LGU hotline 09279537268 at 09198193219 para sa mga katanungan tungkol sa mga regulasyon.
Maraming salamat po at muling pagpapaalala ng ibayong pag-iingat sa inyong paglalakbay.