22/06/2026
46TH REGULAR SESSION
June 22, 2026
Sa pagpapatuloy ng Linggo,ginanap ngayong Lunes ang ika-46th Regular Session. Dito tinalakay at binasa ang mahahalagang komunikasyon at imbitasyon. At ang mga sumusunod ay naaprubahan at naipasa sa huling pagbasa:
> Isang ordinansa na nagpapatibay ng mga mekanismo upang maiwasan, matugunan at maparusahan ang karahasan laban sa kababaihan sa larangan ng politika. (Violence against women in politics. )
Author: Hon. Vice Mayor Melaica M. Batariano
Sponsored By: Hon. Myra Gunay-Fortuno
Ang ordinansang ito ay tugon sa tumitinding isyu ng harassment, disinformation, intimidation, at iba pang anyo ng karahasan na nararanasan ng mga kababaihang nasa pulitika. “Hindi dapat maging hadlang ang kasarian para makapaglingkod ang isang babae sa bayan. Panahon na para protektahan natin sila mula sa paninira, pananakot, at pang-aabuso habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Ang ordinansang ito ay maglalatag ng malinaw na mekanismo — mula sa prevention, reporting, hanggang sa pagpaparusa. May nakalaan ding pondo para sa awareness campaigns at legal assistance sa mga biktima.
> An Ordinance Institutionalizing the PSK2: Para sa Kabataan, Para sa Kalikasan program.
Bilang Author nito binigyang diin ni Hon. Mark Lloyd Sangalang na ang PSK2 ay hindi na dapat manatiling project lang — dapat gawing opisyal na programa ng munisipyo. “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, at sila rin ang pag-asa ng kalikasan. Sa PSK2, binibigyan natin sila ng istruktura, suporta, at boses para manguna sa tree planting, coastal clean-up, waste management, at climate advocacy.
Ang Sangguniang Bayan ng General Luna ay patuloy na nakatuon sa mahusay, tapat, at makabuluhang batas lokal para sa ikauunlad ng ating bayan.
🏛️ Patuloy na maglingkod nang may integridad at malasakit.