MTPB - Manila Traffic and Parking Bureau

MTPB - Manila Traffic and Parking Bureau This is the Official Page of Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

TINGNAN: Walang sagabal na kalsada ang layunin ng MTPB Sector 5 sa pag-iikot nito sa District 5 ng Maynila para sa anti-...
05/10/2026

TINGNAN: Walang sagabal na kalsada ang layunin ng MTPB Sector 5 sa pag-iikot nito sa District 5 ng Maynila para sa anti-illegal parking operations ng grupo ngayong araw.

Katuwang ang MMDA ay umabot sa 5 sasakyan ang na-tow at natiketan naman ang ibang may paglabag sa batas trapiko.

Maging responsible at displinadong motorista, huwag ilagay sa panganib ang mga naglalakad na pedestrian ng dahil sa iligal na pagpaparada.

Byaheng Ligtas Dahil sa NCAP! Walang aksidente at walang aberya sa kalsada kapag sumusunod ang bawat motorista sa batas ...
05/10/2026

Byaheng Ligtas Dahil sa NCAP!
Walang aksidente at walang aberya sa kalsada kapag sumusunod ang bawat motorista sa batas trapiko.
Tamang takbo, tamang lane, respeto sa traffic signs, at konsiderasyon sa kapwa motorista at pedestrian. May camera man o wala, disiplina pa rin ang kailangang pairalin sa bawat byahe.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa NCAP, i-scan ang QR code o bisitahin ang link na ito: https://canva.link/guidetometromanilancap

NCAP 2.0 begins in Manila; Isko Moreno warns: 'You cannot argue with technology'
05/10/2026

NCAP 2.0 begins in Manila; Isko Moreno warns: 'You cannot argue with technology'

NEWS ALERT: NCAP 2.0 begins in Manila; Isko Moreno warns: 'You cannot argue with technology'

Manila City Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso warned abusive motorists, including government employees, that they have no more excuses as the enhanced No Contact Apprehension Program (NCAP 2.0) began in Manila on Monday, October 5.

"Ang mga abusado sa kalsada, wala nang excuse because today, inuumpisahan na pong i-implement ang non-contact apprehension," Domagoso said in his speech during the flag-raising ceremony at city hall.

Domagoso said the program was first implemented during his first term as mayor, apprehending hundreds of thousands of motorists, and NCAP 2.0 now returns in his second term.

"Itong non-contact apprehension, kung maaalala ninyo noong first time kong maging alkalde, in-implement ko ito at maraming nahuli, by the hundreds of thousands," the Mayor noted.

"So, anong ibig sabihin? Talagang walang disiplina ang ilan nating mga kababayan sa pagmamaneho. You cannot argue with technology. We may argue with our enforcers, but with technology, huli. Sa huli, walang lusot," he stressed.

NCAP 2.0 uses upgraded high-resolution cameras that capture clearer images of traffic violations.

A camera capture alone is not a violation: authorized NCAP personnel of the city government must first review and validate each incident before a Notice of Violation is issued.

Fines and penalties follow the Metro Manila Traffic Code of 2023 to avoid confusion.

Motorists who dispute a violation can file a protest online through the NCAP portal, and valid fines can be paid online or in person at the local government unit where the violation took place.

"Kaya pinapaalalahanan ko na kayo, lalo na tayong mga nasa gobyerno, na sa Maynila ngayon ay ipinatutupad ang non-contact apprehension," Domagoso said.

"Huwag na huwag ninyong tatalikuran ang notice na darating sa inyong bahay dahil hindi niyo na ho matatakbuhan iyan at iyan ay mag-a-accumulate lang ng penalty," the Mayor stressed.

Domagoso said ignoring a notice will only pile up penalties, but he pointed to the fairness of the system as its upside.

"Pero ang maganda rito, protektado ang mahihirap, protektado ang middle class, at protektado ang mayaman sapagkat dito sa non-contact, lahat pantay-pantay. Wala nang siga, walang malapit sa kusina. Kapag ika'y lumabag, todas, penalty ka, nganga," he added.

The Mayor said the program also leaves motorists no room to plead with or settle things with traffic enforcers.

"Kaya't mag-ingat sa pagmamaneho dahil unti-unti nating makakamit ang certainty o kasiguruhan sa pagpapatupad ng ating mga alituntunin. Wala na kayong mapapakiusapan or maaareglong enforcer. At the same time, ang mga enforcer, most likely kung sino man sila, kung mayroon p, wala nang mapapatungan, so magtitino at magtitino," Domagoso said.

"Pero uulitin ko, ang non-contact apprehension ay aplikable sa lahat ng tao, anuman ang katayuan nito. Kaya tayong mga nasa pamahalaan ay maging ehemplo nawa ng pagsunod sa mga batas trapiko," Domagoso said.


30/09/2026
Simula October 5, 2026 muling ipapatupad ang No Contact Apprehension Policy (NCAP), para makatulong sa pagpapanatili ng ...
30/09/2026

Simula October 5, 2026 muling ipapatupad ang No Contact Apprehension Policy (NCAP), para makatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan at disiplina sa kalsada.

TINGNAN: Para tuloy-tuloy na daloy ng trapiko mga tri-wheels illegal terminals, obstruction, at colorum  ang pinuntirya ...
29/09/2026

TINGNAN: Para tuloy-tuloy na daloy ng trapiko mga tri-wheels illegal terminals, obstruction, at colorum ang pinuntirya at in-operate ng MTPB Sector 5 sa kanilang regular na operations ngayong araw.

Tinutukan ng grupo ang U.N. Ave. at Pedro Gil St. corner Taft Ave. Na-tow ang mga kulang sa dokumento at natiketan naman ang mga may paglabag sa trapiko.

Makiisa sa disiplinang kalsada para masigurong ligtas, maayos at mabilis ang paglalakbay ng motorista.

TINGNAN: Isang malawakang operasyon ang ikinasa ng pinagsamang puwersa ng MTPB Sector 5 at MMDA ngayong araw sa mga pang...
29/09/2026

TINGNAN: Isang malawakang operasyon ang ikinasa ng pinagsamang puwersa ng MTPB Sector 5 at MMDA ngayong araw sa mga pangunahing lansangan ng Distrito Singko ng Maynila.

Pinuntirya ng grupo ang mga iligal na nakaparada sa mga kalsada at bangketa. Na-tow ang mga unattended na sasakyan at natiketan naman ang mga motorista na may paglabag sa batas trapiko.

Huwag maghintay na madamay ang inyong sasakyan, laging sundin ang batas trapiko at huwag magparada kung saan-saan.

TINGNAN: Matapos na matanggap ang mga reklamo na galing sa 8888 Citizen's Complaint Hotline Office of the President  ay ...
29/09/2026

TINGNAN: Matapos na matanggap ang mga reklamo na galing sa 8888 Citizen's Complaint Hotline Office of the President ay agad na bumuo ng grupo ang MTPB Clamping Division at MTPB Motorcycle Unit kahapon, September 28, 2026 upang tugunan ang mga complaint.

Pinuntirya ng grupo ang mga inireklamong lugar na sakop ng Distrito Uno at Distrito Dos ng Maynila. Sa operasyon ay nai-clamp ang mga iligal na nakaparada sa mga lansangan at bangketa.

Ugaliing makiisa sa tamang pagpaparada para sa ligtas na biyahe ng lahat.

TINGNAN: Para sa tuloy-tuloy na daloy ng trapiko, mga illegal na terminal at colorum na tri-wheels ang pinuntirya ng MTP...
28/09/2026

TINGNAN: Para sa tuloy-tuloy na daloy ng trapiko, mga illegal na terminal at colorum na tri-wheels ang pinuntirya ng MTPB Tri-wheels and Management Unit ngayon umaga.

Partikular na sinuyod ng grupo ang:
Blumentritt Rd. corner Rizal Ave,
Abad Santos St. corner LRT
Aurora Bld.
Recto Ave. corner Abad Santos St.

Nabigyan ng citation tickets ang mga nahuli at nahatak naman ang mga kulang sa dokumento.

Sundin ang mga patakaran sa trapiko at huwag bumiyahe ng kulang ang kaukulang dokumento sa mga pampublikong lansangan.

28/09/2026

Address

Room 353 3rd Floor Manila City Hall
Ermita
1000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MTPB - Manila Traffic and Parking Bureau posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share