25/08/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก: I-REAP South Luzon Cluster, nagsagawa ng mid-year assessment at strategic planning
Nagsagawa ang Department of Agriculture โ Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) I-REAP South Luzon Cluster ng Mid-Year Assessment at Strategic Planning activity, noong Agosto 11-14, 2026 sa Puerto Princesa, Palawan.
Layunin nito na suriin ang naging performance ng mga enterprise subprojects sa unang semestre at matukoy ang mga kinakailangang hakbang para higit pang mapahusay ang kanilang implementasyon.
Tinalakay rin ang kasalukuyang operational status ng mga subprojects sa ilalim ng Original Loan (OL) at Second Additional Financing (AF2), kabilang ang mga pangunahing suliraning kinakaharap at mga kaukulang hakbang upang matugunan ang mga ito.
Binigyang-diin din ang timeline at mga kinakailangang paghahanda para sa maayos na turnover ng mga subprojects sa ilalim ng pangangasiwa ng AMAS/AMAD.
Ipinresenta sa aktibidad ang physical accomplishment, financial utilization, at status ng implementasyon ng mga subprojects. Sinuri rin ang mga isyu, gaps, risks, at iba pang hamon na nakaapekto sa pagpapatupad ng mga ito, kabilang ang mga salik na maaaring makaapekto sa napapanahon at maayos na paghahatid ng mga subproject.
Sa pamamagitan ng isang participatory workshop, nagkaroon ng pagkakataon ang mga participants na magbahagi ng mga updates, tukuyin ang mga pangunahing concerns, at maglatag ng mga kaukulang action points at strategies.
Tinalakay rin ang pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng Project Support Office, Regional Project Coordination Offices, local government units, at proponent groups upang mas maging maayos ang pagpapatupad ng mga plano sa mga susunod na buwan.
Sa pamamagitan ng assessment at strategic planning, layunin ng aktibidad na matiyak ang mas maayos na pagtugon sa mga natukoy na concerns at higit pang mapalakas ang implementasyon ng I-REAP subprojects tungo sa pagbuo ng mas competitive at sustainable na agri-fishery enterprises. #