05/08/2026
𝙋𝙖𝙣𝙖𝙜𝙪𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙂𝙤𝙗𝙮𝙚𝙧𝙣𝙤 𝙨𝙖 𝙆𝙧𝙞𝙨𝙞𝙨 𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙀𝙙𝙪𝙠𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣!
Sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni BBM, muling nabigo ang administrasyon na tugunan ang matagal nang krisis sa kabataan at edukasyon. Patuloy na kinakaharap ng mga kabataan ang pagtaas ng out-of-school children and youth, learning poverty, malnutrisyon, kakulangan sa learning materials, mababang sahod at mabigat na pasanin ng mga g**o, kakulangan sa proteksiyon para sa children-in-conflict with the law, at napakalaking kakulangan sa mga silid-aralan at g**o. Hitik sa mabubulaklak na salita ang SONA tungkol sa mga plano ng administrasyon, ngunit daig pa nito ang mga lantang gulay: walang sustansiya, walang laman, at walang sapat na solusyon sa tunay na kalagayan ng kabataan.
Bilang mga kabataan at estudyante, mariin nating isinisigaw: hindi hungkag na pangako ang
kailangan natin kundi tunay, komprehensibo, at transpormatibong pagbabago!
Sa halip na unahin ang mga mapanganib at mapanirang proyektong pangkaunlaran tulad ng
Pax Silica, muling pagbuhay sa BNPP, pagtatayo ng mga small modular nuclear reactors, at mga ambisyosong proyektong pangkalawakan, dapat kagyat na tugunan ng pamahalaan ang krisis sa edukasyon at kabataan.
Kaya, sama-sama tayong kumilos at magkaisa! Panagutin ang gobyerno sa krisis at pagtataksil sa bayan!
Una, itaas ang pampublikong pondo para sa edukasyon sa 6% ng GDP. Tapusin ang matagal na pambabarat sa edukasyon at tiyaking sapat ang pondo para sa
pangangailangan ng bawat paaralan at mag-aaral.
Ikalawa, magpatayo ng sapat na silid-aralan at mag-hire ng kinakailangang mga g**o upang wakasan ang napakalaking classroom at teacher shortage.
Ikatlo, ipatupad nang ganap, tapat, at buo ang RA 4670 o Magna Carta for Public School Teachers. Ibigay sa mga g**o ang makatarungang sahod, benepisyo, workload, at
proteksiyong nararapat sa kanila.
Ikaapat, isagawa ang isang maayos, komprehensibo, at makabuluhang curriculum overhaul
na nakabatay sa pangangailangan ng mga mag-aaral, g**o, at sambayanang Pilipino.
Ikalima, tutulan ang mga kasunduan at proyektong naglalagay sa panganib sa buhay, kaligtasan, kalikasan, soberanya, at kinabukasan ng kabataan, kabilang ang Pax Silica,
muling pagbuhay sa BNPP, at pagtatayo ng mga
katulad na nuclear facility.
Hindi rocketship ang kailangan ng kabataan. Silid-aralan.
Hindi nuclear reactor. G**o.
Hindi hungkag na pangako. Tunay na aksyon.
𝙄𝙥𝙖𝙣𝙖𝙡𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙧𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙚𝙙𝙪𝙠𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣!
𝙋𝙖𝙣𝙖𝙜𝙪𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙖𝙣!
𝗣𝗮𝗻𝗮𝗴𝘂𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗼𝗯𝘆𝗲𝗿𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗞𝗿𝗶𝘀𝗶𝘀 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗘𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻!
Sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni BBM, muling nabigo ang administrasyon na tugunan ang matagal nang krisis sa kabataan at edukasyon. Patuloy na kinakaharap ng mga kabataan ang pagtaas ng out-of-school children and youth, learning poverty, malnutrisyon, kakulangan sa learning materials, mababang sahod at mabigat na pasanin ng mga g**o, kakulangan sa proteksiyon para sa children-in-conflict with the law, at napakalaking kakulangan sa mga silid-aralan at g**o. Hitik sa mabubulaklak na salita ang SONA tungkol sa mga plano ng administrasyon, ngunit daig pa nito ang mga lantang gulay: walang sustansiya, walang laman, at walang sapat na solusyon sa tunay na kalagayan ng kabataan.
Bilang mga kabataan at estudyante, mariin nating isinisigaw: hindi hungkag na pangako ang kailangan natin kundi tunay, komprehensibo, at transpormatibong pagbabago!
Sa halip na unahin ang mga mapanganib at mapanirang proyektong pangkaunlaran tulad ng Pax Silica, muling pagbuhay sa BNPP, pagtatayo ng mga small modular nuclear reactors, at mga ambisyosong proyektong pangkalawakan, dapat kagyat na tugunan ng pamahalaan ang krisis sa edukasyon at kabataan.
Kaya, sama-sama tayong kumilos at magkaisa! Panagutin ang gobyerno sa krisis at pagtataksil sa bayan!
Una, itaas ang pampublikong pondo para sa edukasyon sa 6% ng GDP. Tapusin ang matagal na pambabarat sa edukasyon at tiyaking sapat ang pondo para sa pangangailangan ng bawat paaralan at mag-aaral.
Ikalawa, magpatayo ng sapat na silid-aralan at mag-hire ng kinakailangang mga g**o upang wakasan ang napakalaking classroom at teacher shortage.
Ikatlo, ipatupad nang ganap, tapat, at buo ang RA 4670 o Magna Carta for Public School Teachers. Ibigay sa mga g**o ang makatarungang sahod, benepisyo, workload, at proteksiyong nararapat sa kanila.
Ikaapat, isagawa ang isang maayos, komprehensibo, at makabuluhang curriculum overhaul na nakabatay sa pangangailangan ng mga mag-aaral, g**o, at sambayanang Pilipino.
Ikalima, tutulan ang mga kasunduan at proyektong naglalagay sa panganib sa buhay, kaligtasan, kalikasan, soberanya, at kinabukasan ng kabataan, kabilang ang Pax Silica, muling pagbuhay sa BNPP, at pagtatayo ng mga katulad na nuclear facility.
Hindi rocketship ang kailangan ng kabataan. Silid-aralan.
Hindi nuclear reactor. G**o.
Hindi hungkag na pangako. Tunay na aksyon.
𝙄𝙥𝙖𝙣𝙖𝙡𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙧𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙚𝙙𝙪𝙠𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣!
𝙋𝙖𝙣𝙖𝙜𝙪𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙖𝙣!