29/08/2026
๐ต๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: "๐บ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐"!
Ang bawat hakbang sa entablado ay hindi lamang isang simpleng pagpapakita ng talento sa pagsayawโito ay isang makulay, buhay, at madamdaming simbolo ng pagmamahal sa komunidad, pagkakabuklod-buklod, at hindi matitinag na katatagan ng pamilyang Dilasagueรฑo. Sa kabila ng mga sakripisyo at pagsubok na kinakaharap ng bawat pamilya ng ating mga OFWs, ipinadama ng bawat isa na kapag tayo ay sama-sama, kayang-kaya nating maghatid ng ngiti, pag-asa, at sigla sa ating bayan.
Isang taos-pusong pasasalamat, pagpupugay, at pagmamalaki sa siyam (9) na masisigla, malikhain, at dedikadong samahan ng OFW Family Circle (OFC) na nagpaalab sa entablado at nag-iwan ng inspirasyon sa ating mga puso: Masagana OFC, Maligaya OFC, Dicabasan OFC, Diniog OFC, Dilagudi OFC, Diagyan OFC, Dimaseset OFC, Manggitahan OFC, Ura OFC.
Ang inyong bawa't indak, pawis, at ngiti ay patunay na ang tunay na kagandahan ng ating komunidad ay nagmumula sa ating pagkakaisa. Maraming salamat sa pagbabahagi ng inyong lakas at saya upang gawing lalong makabuluhan at hindi malilimutan ang ating pagdiriwang! Saludo kami sa inyong walang-sawang husay at pagmamahal, ating mga Bagong Bayani at kanilang mga pamilya! ๐โค๏ธ๐ต๐ญ