27/03/2026
PAMAMAALAM AT PAGPUPUGAY 🕊️🥹
Ang Municipal SK Federation ng Diffun ay buong pusong nagdadalamhati at nakikiramay sa pamilya at sa buong komunidad ng Barangay Villa Pascua sa pagpanaw ng ating katuwang sa serbisyo, SK Chairwoman Ruth Ecclesiastes DeGuzman Sion
Si Ate/Chair Ruth ay naging tunay na sandigan at tinig ng mga kabataan sa kanyang barangay. Ang kanyang sigasig, malasakit, at tapat na pamumuno bilang SK Chairwoman ay nag-iwan ng hindi matatawarang marka na magsisilbing inspirasyon sa ating lahat sa Federation.
Maraming salamat, sa iyong walang pag-iimbot na paglilingkod sa bayan ng Diffun. Mananatili ang iyong liwanag sa aming mga puso.
Rest in Peace, Chairwoman Ruth.