04/09/2026
Isang matagumpay na pagdiriwang sa Kulminasyon ng Buwan ng Wika 2026.
Hindi lang sa talastasan nanguna ang ating mga mag-aaral—ipinamalas din ng mga Cabonbonians ang kanilang walang katulad na galing sa pagtatanghal.
Mula sa mga rhythmic at makukulay na Ethnic Dance na nagbigay-pugay sa ating mga katutubong pinagmulan, hanggang sa napaka-eleganteng pagsayaw ng Cariñosa ng ating mga candidates para sa Lakan at Lakambini 2026—talaga namang umapaw ang ganda at indak ng kulturang Pilipino sa entablado! 🌸
Ibinida rin ng ating mga mag-aaral ang kanilang talas ng isip at husay sa sining sa iba't ibang patimpalak.
Sa bawat galaw, salita, at guhit, pinatunayan ng Cabonbon Students na buhay na buhay ang ating identidad! 👇🎥