03/08/2026
Magandang Araw Solo Parents,
Inaanyayahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) – Solo Parent Unit ng Lungsod ng Dasmariñas ang lahat ng mga bagong solo parent sa Lungsod ng Dasmariñas na dumalo sa aming Online Orientation sa pamamagitan ng Zoom.
Layunin ng oryentasyong ito na magbigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa:
Republic Act No. 11861 (Expanded Solo Parents Welfare Act)
Proseso ng Pagkuha at Pag-renew ng Solo Parent ID
Mga Programa, Serbisyo, Benepisyo, at Pribilehiyo para sa mga Solo Parent
Mahahalagang Anunsyo at mga Pinakabagong Impormasyon mula sa Solo Parent Sector
📅 Petsa: August 12, 2026
🕘 Oras: 9:00 ng umaga
💻 Platform: Zoom app
Note: Magparehistro sa pamamagitan ng link sa ibaba
https://forms.gle/TRC3CJpBGFiHj28a9
https://forms.gle/TRC3CJpBGFiHj28a9
Matapos magparehistro, ipapadala ang mga detalye ng Zoom meeting inyong Email address.
Paalala: Para sa mga hindi makakadalo sa online orientation, tayo po ay magkakaroon din ng Face-to-Face Orientation. Ang schedule, lugar, at iba pang detalye ay iaanunsyo dito sa ating page.
Para sa mga katanungan at iba pang mga anunsyo, mangyaring i-follow at i-message ang aming opisyal na page.