08/06/2026
Sa bawat tagumpay ng Barangay Burol 1, hindi ito tagumpay ng iisang tao lamang kundi tagumpay ng buong komunidad.
Mula noong unang araw ng panunungkulan ni Punong Barangay Kap. Nilo Teves , ang layunin ay malinaw maghatid ng serbisyong tunay, tapat, at may malasakit para sa bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng maayos na pamamahala, transparency, at good governance, unti-unti nating nasaksihan ang mga positibong pagbabago sa ating barangay.
Mula sa pagsasaayos at pagpapaganda ng Barangay Hall, pagtitiyak na maayos na nagagamit ang pondo ng bayan, hanggang sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating komunidad, patuloy nating nakikita na kapag ang pamumuno ay may integridad at malasakit, ang resulta ay tunay na kaunlaran.
Dito sa Barangay Burol 1, bawal ang kurapsyon at prayoridad ang kapakanan ng mamamayan.
Ngayon, isa na namang mahalagang hakbang para sa kaligtasan ng ating komunidad ang ating bagong Fire Truck.
🎉 Congratulations, Barangay Burol 1! 🎉
Isa itong patunay na ang bawat pondo ng bayan ay inilalaan sa mga proyektong may direktang pakinabang sa mamamayan.
Higit pa sa isang sasakyan, ito ay simbolo ng kahandaan, proteksyon, at mas mabilis na pagtugon sa panahon ng pangangailangan at sakuna.
Sa lahat ng mga biyayang natatanggap ng ating barangay, nananatili tayong mapagkumbaba at nagpapasalamat sa Panginoon na siyang gumagabay sa bawat hakbang.
Gayundin, taos-puso ang pasasalamat sa lahat ng mga kawani ng barangay, mga konsehal, mga volunteers, at higit sa lahat sa mga mamamayan ng Burol 1 na patuloy na nagtitiwala, nakikiisa, at sumusuporta sa mga programang naglalayong mapaunlad ang ating komunidad.
Hindi pa rito nagtatapos ang ating mga pangarap. Patuloy tayong magsisikap para sa mas ligtas, mas maayos, mas maunlad, at mas matiwasay na Barangay Burol 1. Sa pagkakaisa, malasakit, at tapat na paglilingkod, walang imposible para sa ating komunidad.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pagtitiwala.
Serbisyong Tunay. Serbisyong May Malasakit. Para sa buong komunidad ng Brgy Burol 1.