21/05/2026
May 19, 2026 | Cervical Cancer Awareness and Family Planning Caravan
📍 Function Hall, Barangay Langkaan 1
May 19, 2026 | Cervical Cancer Awareness and Family Planning Caravan
📍 Function Hall, Barangay Langkaan 1
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Cervical Cancer Awareness Month ngayong buwan ng Mayo, matagumpay na isinagawa ang Cervical Cancer Awareness and Family Planning Caravan sa pangunguna ni Dra. Eunice De Sagun, katuwang ang mga Barangay Nurse at Midwife ng City Health Office-1, kasama ang Organon Philippines Inc.
Sa isinagawang aktibidad, nagkaroon ng cervical cancer screening, breast examination, VIA, at iba’t ibang family planning services upang higit pang mapalakas ang kamalayan ng kababaihan tungkol sa kahalagahan ng maagang pagtuklas at pag-iwas sa cervical at breast cancer, gayundin sa wastong kaalaman ukol sa family planning.
Layunin ng caravan na mailapit sa komunidad ang abot-kamay at dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mas ligtas, mas malusog, at mas maayos na kinabukasan ng bawat pamilya.
Lubos namang nagpapasalamat ang City Health Office-1 kay Kap. Rommel Sarabusab at sa buong Barangay Council ng Barangay Langkaan 1 para sa kanilang buong pusong suporta at pakikiisa sa tagumpay ng programang ito.
Inaanyayahan din ang lahat na magpakonsulta sa mga City Health Offices na nakasasakop sa inyong barangay o sa inyong mga Barangay Health Center para sa iba pang serbisyong pangkalusugan.
“Sa Dasmariñas, ang pamilyang planado, Panalo.”