10/05/2025
Mula sa pag-ikot sa 31 barangay, house to house, caucus, at garong, bawat hakbang ay inalay para sa Dagupan. Hindi madali ang daan, pero bawat araw na kasama ko kayo ay naging paalala kung bakit ako tumakbo--dahil sa pagmamahal ko sa ating siyudad at sa pag-asa na kayang gawing mas maganda ang bukas para sa ating lahat.
Sa bawat kamay na aking nakamayan, sa bawat yakap, kwento, at ngiting ibinahagi niyo, dumami ang aking inspirasyon. Marami akong natutunan, mas lumawak ang aking pang-unawa, at higit sa lahat, mas tumibay ang pagmamahal ko sa Dagupan.
May mga tagumpay, may mga hamon, pero sa dulo ng lahat ng ito, isa lang ang sigurado, puno ng pasasalamat ang puso ko. Salamat sa tiwala, sa suporta, at sa paniniwala. Hindi man natin alam kung ano ang susunod na kabanata, baon ko ang bawat alaala, aral, at pagmamahal mula sa inyong lahat.
Salamat sa lahat ng sumuporta at patuloy na sumusuporta. Mahal ko ang Dagupan at mahal ko kayo. 🫶🧡💙