12/05/2026
𝗣𝗢𝗪𝗘𝗥 𝗕𝗟𝗢𝗖 𝗙𝗜𝗟𝗘𝗦 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗘𝗘𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗩𝗜𝗘𝗪 𝗢𝗡 𝗚𝗘𝗔-𝗔𝗟𝗟 𝗖𝗛𝗔𝗥𝗚𝗘𝗦, 𝗘𝗥𝗖 𝗛𝗔𝗟𝗧𝗦 𝗚𝗥𝗘𝗘𝗡 𝗘𝗡𝗘𝗥𝗚𝗬 𝗙𝗘𝗘𝗦
Noong May 4, 2026, naghain sina PhilRECA Party-List Rep. Presley C. De Jesus at APEC Party-List Rep. Sergio C. Dagooc ng House Resolution No. 978 upang imbestigahan ang legality, validity, at constitutionality ng Green Energy Auction Allowance (GEA-All) na ipinapataw sa mga konsyumer sa ilalim ng ERC Resolution No. 06, Series of 2025.
Kasunod ng paghahain ng nasabing resolusyon, naglabas kaagad noong May 08, 2026 ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng hakbang na pansamantalang ipahinto ang koleksyon ng GEA-All habang sinusuri ang mga isyung kaugnay ng implementasyon nito.
Hindi tutol ang Power Bloc sa renewable energy. Gayunman, naniniwala ito na ang pagsusulong ng malinis na enerhiya sa bansa ay dapat nakabatay sa malinaw na legal at konstitusyunal na basehan, lalo na kung may kaakibat itong dagdag-singil na direktang makaaapekto sa bawat pamilyang Pilipino.
Sa ilalim ng House Resolution No. 978, layunin nitong suriin kung ang naturang charge ay may sapat na statutory basis at kung naaayon ito sa mga kapangyarihang ipinagkaloob ng batas sa ERC. Para sa Power Bloc, mahalagang matiyak na ang anumang bagong obligasyong pinansyal na ipapataw sa consumers ay dumaan sa wastong proseso at mahigpit na pagbubusisi ng Kongreso.
Sa huli, sinusuportahan ng Power Bloc ang pansamantalang paghinto ng ERC sa koleksyon ng GEA-All, subalit hindi dapat dito ito magtatapos. Sa huli, patuloy nating babantayan ang isyung ito para masiguro natin ang abot-kayang kuryente, transparency sa paniningil, at proteksyon sa kapakanan ng bawat konsyumer, lalo na sa panahon ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.