01/06/2026
**Hindi man pabor ang sitwasyon, hindi man tahimik ang paligid, at hindi man maayos ang sistema—hinding-hindi pa rin matitinag ang pananampalatayang nakasandal sa Diyos.**
May mga araw na kaliwa't kanan ang ingay, sunod-sunod ang challenges, at minsan pati sarili mo ay kinukuwestyon mo. Pero sa dulo ng lahat, pinipili mo pa ring magtiwala sa Diyos at magpatuloy sa misyong ipinagkatiwala Niya sa'yo.
Palagi kong ipinapaalala sa sarili ko na hindi ako nagtatrabaho para sa papuri ng tao, kundi para sa kaluwalhatian ng Panginoon. Kaya kahit may takot, may pagod, at may pagdududa, tuloy pa rin. Faith over fear.
Maraming salamat, Lord, sa Iyong walang sawang paggabay, biyaya, at katapatan.
At sa lahat ng aking dear clients, taos-puso akong nagpapasalamat sa inyong tiwala. Thank you for allowing me to guide you in achieving your dream condo. Ang bawat tiwalang ibinibigay ninyo ay isang responsibilidad na aking pinahahalagahan at pinagsisikapang suklian ng mahusay at tapat na serbisyo.
**Kapag Diyos ang sandigan, walang ingay na mas malakas, walang sistema na mas magulo, at walang pagsubok na mas mabigat kaysa sa biyayang handa Niyang ibigay.**
All glory to God.