01/09/2026
🚨 NATIONAL SIMULTANEOUS SAFETY DRILL 🚨
Active Attack Situations and Adoption of the School Safety Drill Sequence
Ang Simeon Panganiban National High School ay nakikiisa sa pagsasagawa ng National Simultaneous Safety Drill on Active Attack Situations and Adoption of the School Safety Drill Sequence.
📅 Petsa: Setyembre 2, 2026 (Miyerkules)
🕜 Oras: 1:30–2:30 ng Hapon
📍 Lugar: Simeon Panganiban National High School
Layunin ng gawaing ito na mapalawak ang kaalaman at kahandaan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan sa wastong pagtugon sa mga sitwasyon ng panganib at aktibong pag-atake.
Ang pagsasagawa ng safety drill na ito ay mahalagang hakbang upang matiyak na ang buong komunidad ng paaralan ay may sapat na kaalaman, kahandaan, at wastong pagtugon sa anumang sitwasyong maaaring magbanta sa kaligtasan.
Sama-sama para sa isang ligtas, handa, at matatag na paaralan!