Atorni Naguib Sinarimbo

Atorni Naguib Sinarimbo Competence and Compassion

11/09/2026

Ano ang magagawa ng Bangsamoro Federalist Party pagdating sa usaping enerhiya at supply ng kuryente kapag nakaupo na ang mga kandidato nito sa Parliament?

πŸ”΅4. SINARIMBO, Atty. Naguib
District 2, Cotabato City
πŸ”΅ 4. BFP
Partido Para sa Bangsamoro

Alhamdulillah! Maraming salamat, Mahardika Party sa pag-endorso sa atin at sa iba pang mga kandidato ng Bangsamoro Feder...
11/09/2026

Alhamdulillah! Maraming salamat, Mahardika Party sa pag-endorso sa atin at sa iba pang mga kandidato ng Bangsamoro Federalist Party!

Bismillah! Kita-kits, mga KaFed! πŸ’ͺπŸ»πŸ’™
11/09/2026

Bismillah! Kita-kits, mga KaFed! πŸ’ͺπŸ»πŸ’™

BFP supporters, humanda!

Bukas, magiging asul hindi lang ang kalangitan ngunit pati na rin ang ating kapaligiran para sa ating Miting de Avance cm Grand Rally.

Inaanyayahan ang lahat ng miyembro, tagasuporta, volunteers, at mga kaibigan ng Bangsamoro Federalist Party (BFP) na makiisa sa ating huling malaking pagtitipon bago ang makasaysayang BARMM Parliamentary Elections!

πŸ“… September 12, 2026 | Sabado
⏰ 4:00 PM
πŸ“ Central Pilot Elementary School, Poblacion 6, Cotabato City

Magsuot ng ASUL/BLUE at sama-sama nating ipakita ang lakas, pagkakaisa, at paninindigan para sa Bangsamoro.

Kita-kits, mga KaFed! Wear BLUE! πŸ’™

Dagsa dagsa pa rin ang mga nagpapa-miyembro sa ating partido araw-araw.Bakit tayo dinadagsa ng nagpapamiyembro? Naniniwa...
11/09/2026

Dagsa dagsa pa rin ang mga nagpapa-miyembro sa ating partido araw-araw.

Bakit tayo dinadagsa ng nagpapamiyembro? Naniniwala tayong ang kagandahan ng ating layunin, plataporma at ang positibong pangangampanya natin ay nagbubunga ng magandang mensahe sa ating mga residente kaya naman araw-araw ang ating membership orientation at voter education kasabay ng araw-araw na pangangampanya.

Bakit natin pinupulong ang mga bagong miyembro ng ating partido?

β˜‘οΈ Nais nating masiguro na alam ng mga residente ang mga prinsipyo ng partidong sinalihan;
β˜‘οΈ Kailangang alam ng mga miyembro kung ano ang mga benepisyo at responsibilidad ng pagiging miyembro ng ating partido;
β˜‘οΈ Sinasama natin ang voter education para alam ng mga residente ang proseso ng bagong sistema ng BARMM Parliamentary Elections;
β˜‘οΈ Higit sa lahat, nais nating maging mulat at mapanuri ang bawat miyembro hindi lamang sa pagpili ng kanilang ihahalal, kundi pati sa pananagutan ng mga lider na bibigyan nila ng mandato at kapangyarihan.

Sa bagong sistemang parliamentaryo, hindi sapat na marunong lamang tayong bumoto. Dapat alam natin kung paano gumagana ang sistema, ano ang papel ng ating mga kinatawan, at paano natin sila sisingilin pagkatapos ng eleksyon. Dahil ang tunay na pakikilahok sa demokrasya ay hindi nagtatapos sa araw ng botohan kundi doon pa lamang ito nagsisimula.

Game na game pa rin ang mga campaigners natin habang patuloy ang kampanyahan natin sa mga huling araw ng   campaign peri...
10/09/2026

Game na game pa rin ang mga campaigners natin habang patuloy ang kampanyahan natin sa mga huling araw ng campaign period.

Habang tayo ay abala sa mga preparasyon para sa araw ng halalan, patuloy ang paglaganap ng impormasyon tungkol sa mga nagawa natin at mga programang nakaplano para sa Bangsamoro. Walang negatibong propaganda, walang paninira, walang pananakot, pawang kampanya at pagsasagawa ng ating karapatan sa ilalim ng ating demokrasya.

Maraming salamat sa ating volunteer campaign team na tinitiis ang init ng araw upang ikampanya tayo at ang pagkapanalo ng Bangsamoro! Maraming salamat din po sa mga residenteng bukas sa sa pagtanggap ng mga impormasyong ibinabahagi ng ating mga volunteers.

Sa mga huling araw ng kampanya, sikapin nating maging tungkol sa mga solusyon sa mga suliranin ng Bangsamoro ang diskurso sa halip na awayan at negatibong pamumulitika. Sa huli, pagkatapos ng eleksyon, Bangsamoro pa rin tayong lahat sa likod ng kulay pulitika.

π™π™π™Šπ™ˆ 𝙏𝙃𝙀 π˜Όπ™π˜Ύπ™ƒπ™„π™‘π™€π™Ž: Alam mo bang miyembro tayo ng Technical Working Group at Legal Team ng M**F Peace Panel?Mahalaga ang ...
09/09/2026

π™π™π™Šπ™ˆ 𝙏𝙃𝙀 π˜Όπ™π˜Ύπ™ƒπ™„π™‘π™€π™Ž: Alam mo bang miyembro tayo ng Technical Working Group at Legal Team ng M**F Peace Panel?

Mahalaga ang parte natin sa pakikipagtalakayan sa negosasyon sa pagitan ng M**F at Government of the Republic of the Philippines (GRP) mula taong 2012 hanggang 2015, na nagdulot sa paglagda ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) noong 2014. Naging bahagi rin tayo ng pagsusulat at pagbabalangkas ng napagkasunduang bersyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Pinangunahan din natin ang mga talakayan para sa M**F sa Technical Working Group (TWG) on Normalization, na humantong sa pagbuo at paglagda ng Annex on Normalization.

Taliwas sa mga paratang, hindi mabubura ng anumang smear campaign ang ating track record sa serbisyo at kalidad ng ating trabaho. Maaaring maging maingay ang paninira, ngunit mas malakas ang katotohanang nakaukit na sa kasaysayan at higit sa lahat, sa mata ng Allah.

Tuloy-tuloy ang ating membership orientation at voter education sa kabila ng araw-araw na pangangampanya.Bakit natin pin...
08/09/2026

Tuloy-tuloy ang ating membership orientation at voter education sa kabila ng araw-araw na pangangampanya.

Bakit natin pinupulong ang mga bagong miyembro ng ating partido?

β˜‘οΈ Nais nating masiguro na alam ng mga residente ang mga prinsipyo ng partidong sinalihan;
β˜‘οΈ Kailangang alam ng mga miyembro kung ano ang mga benepisyo at responsibilidad ng pagiging miyembro ng ating partido;
β˜‘οΈ Sinasama natin ang voter education para alam ng mga residente ang proseso ng bagong sistema ng BARMM Parliamentary Elections;
β˜‘οΈ Higit sa lahat, nais nating maging mulat at mapanuri ang bawat miyembro hindi lamang sa pagpili ng kanilang ihahalal, kundi pati sa pananagutan ng mga lider na bibigyan nila ng mandato at kapangyarihan.

Sa bagong sistemang parliamentaryo, hindi sapat na marunong lamang tayong bumoto. Dapat alam natin kung paano gumagana ang sistema, ano ang papel ng ating mga kinatawan, at paano natin sila sisingilin pagkatapos ng eleksyon. Dahil ang tunay na pakikilahok sa demokrasya ay hindi nagtatapos sa araw ng botohan kundi doon pa lamang ito nagsisimula.

08/09/2026

IBOTO ANG 1143 SA COTABATO CITY!
πŸ”΅ 1. MACACUA, ABDULRAOF
- MDN District 3 (Pob. 1 & Pob. 7)
πŸ”΅ 1. ANTOK, TOMANDA - District 3
πŸ”΅ 4. SINARIMBO, ATTY. NAGUIB - District 2
πŸ”΄ 3. SEMA, ROMEO - District 1

HUWAG KALIMUTAN:
πŸ”΅ 4. BFP
Partido Para sa Bangsamoro

Settler Communities Sector:
πŸ”΅ 2. Susana Anayatin
πŸ”΅ 8. Ongpin Yu Ekey

Youth Sector:
πŸ”΅ 3. Nur-Jamil Ibrahim

Women Sector:
πŸ”΅ 6. Jehan Usop

Ulama Sector:
πŸ”΅ 2. Marhan Borhan

Traditional Leaders Sector:
πŸ”΅ 5. Datuteng Gumbila

IBOTO!
πŸ”΅4. BFP
Partido Para sa Bangsamoro!

Alhamdulillah, natutuwa tayong maayos ang seguridad sa ating lungsod upang mapayapa tayong makapangampanya pati na rin a...
08/09/2026

Alhamdulillah, natutuwa tayong maayos ang seguridad sa ating lungsod upang mapayapa tayong makapangampanya pati na rin ang ibang mga partido.

Minsan nakakasalubong ng ating campaign team ang mga miyembro at tagasuporta ng ating partido, pati na rin ang mga tagasuporta ng ibang kandidato at maayos ang ating pakikitungo sa lahat. Sa gitna ng ingay sa social media, mas nananaig ang kapayapaan sa mga kalye habang pinapalaganap natin ang magandang impormasyon tungkol sa ating mga programa, mga plataporma at track record sa serbisyo. Ganito ang mukha ng demokrasyang dapat na iniingatan at ipinaglalaban.

π™π™π™Šπ™ˆ 𝙏𝙃𝙀 π˜Όπ™π˜Ύπ™ƒπ™„π™‘π™€π™Ž: Alam mo bang naging miyembro tayo ng Presidential Commission on Davao Bombings?Habang tayo ay nagtutu...
07/09/2026

π™π™π™Šπ™ˆ 𝙏𝙃𝙀 π˜Όπ™π˜Ύπ™ƒπ™„π™‘π™€π™Ž: Alam mo bang naging miyembro tayo ng Presidential Commission on Davao Bombings?

Habang tayo ay nagtuturo sa Notre Dame University College of Law noong 2003, naimbitahan tayo na sumali sa Presidential Commission on Davao Bombings, na binuo sa ilalim ng Administrative Order No. 84.

Isa tayo sa mga pangunahing lumahok sa fact-finding mission kaugnay ng Davao Twin Bombings at nagsulat ng report ng Komisyon. Isa sa mahahalagang natuklasan nito: walang direktang ebidensyang nag-uugnay sa M**F Special Operations Group sa pambobomba sa Sasa Seaport at Davao International Airport noong 2003.

Naging mahalaga ang natuklasang ito sa pagbasura ng mga kasong kriminal laban sa senior leadership ng M**F, kabilang sina late Sheikh Salamat Hashim, Chairman Al-hadj Murad Ebrahim, Chief Minister Sammy Gambar, Mohagher Iqbal, at 146 iba pa at sa kalaunan ay naging daan na naipagpatuloy ang GRP-M**F Peace Talks.

Noon pa man, naging bahagi na tayo ng pagsusulong at pangangalaga sa prosesong pangkapayapaan sa Bangsamoro sa pamamagitan ng pagtiyak na ang mahahalagang desisyon ay nakabatay sa katotohanan, ebidensya, at due process, at hindi sa mga paratang na maaaring tuluyang sumira sa pagkakataon para sa kapayapaan.

Makalipas ang mahigit dalawang dekada, nananatili ang parehong paninindigan natin na ang kapayapaan at ang awtonomiya ng Bangsamoro ay kailangang pangalagaan, ipagtanggol, at patatagin para sa susunod na mga henerasyon.

Address

Cotabato City
9600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atorni Naguib Sinarimbo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share