29/12/2025
2nd Banban BCPC Child-Led PROGRAM 12/29/25
RA No. 91130
Matagumpay na naisagawa ang talakayan ukol sa OSAEC-CSAEM (Online Sexual Abuse and Exploitation of Children at Child Sexual Abuse and Exploitation Materials) sa pangunguna ng ating SK Chairperson. Ang diskusyong ito ay nagpalawak ng kaalaman at kamalayan ng kabataan at komunidad sa mga panganib na dulot ng online abuse at kung paano ito maiiwasan.
Sa pamamagitan ng malinaw at makabuluhang pagpapaliwanag ni Genpsy Pacada, binigyang-diin ang mahalagang papel ng bawat isa—lalo na ng kabataan—sa pagprotekta sa sarili at sa kapwa. Ang kaalamang ito ay magsisilbing sandata upang makapag-ulat, makaiwas, at makatulong sa pagpigil sa anumang uri ng online pang-aabuso.
Sama-sama nating wakasan ang OSAEC-CSAEM. Ang kaligtasan ng mga bata ay responsibilidad nating lahat. 💙