05/12/2024
𝐑𝐄𝐂𝐘𝐂𝐋𝐄𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐎𝐋 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐒𝐓
It's the most wonderful time of the year!
Sa pagtungtong ng buwan ng Disyembre dama na natin ang nalalapit na kapaskuhan. Upang mas lalo nating maipadama ang totoong diwa ng pasko at maprotektahan ang ating Inang Kalikasan ang kapulisan ng Santa Ana ay mag-oorganisa ng isang Parol Making Contest.
Kaya naman inaanyayahan namin ang bawat kabataang may edad na 15 - 30 taong gulang na maki-isa sa ating Recycled Parol Making Contest. Ipakita ang inyong talento sa paglikha o paggawa ng isang makabuluhang sining sa pamamagitan ng paggamit ng mga recycled o reuse materials.
MGA PANUNTUNAN SA PAGSALI
1. Ang bawat kalahok ay dapat na naninirahan dito sa bayan ng Santa Ana at may edad na 15 - 30 taong gulang.
2. Maaaring lumahok ng indibidwal o grupo. Bawat grupo ay dapat may miyembro na hindi hihigit sa lima (5 members).
3. Malaya ang bawat kalahok na gumawa ng sariling konsepto o disenyo siguraduhin lamang na ang gagawing PAROL ay kinakailangang gawa sa (80%) RECYCLED o REUSED MATERIALS (plastic bottles, dyaryo, magasin, atbp.). Ang paglalagay ng pa-ilaw ay pinapayagan.
4. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga biniling materyales katulad ng mga pampa-kinang, pampakintab, o pang-kulay Awtomatikong madidisqualified ang mga entry na gagamitan ng mga materyales na binili at hindi ni-recycle.
5. Kailangan na ang gagawing PAROL ay matibay dahil ito ay ididisplay sa Santa Ana Police Station.
6 Ang PAROL ay kinakailangan din na may taas na 3ft at lapad na 3ft. May buntot man o wala.
7. Ang bawat kalahok ay inaasahan na magpasa ng 2 mins. video na kung saan ipinapakita na ginagawa ang parol. Ito ay magsisilbing katunayan na ang kalahok mismo ang gumawa ng parol.
PAGSUSUMITE NG MGA PAROL
1. Ang bawat entry ng PAROL ay dapat ma-isumite sa December 12, 2024. Kasabay nito ang pagsusumite ng form at 2 mins. video na katunayan na ang kalahok ang gumawa ng parol. At isumite sa Sta Ana North Valley FB Page
2. Ang mga parol ay mamarkahan sa December 17, 2024. Ang lugar at ang oras ay iaanunsyo sa Sta Ana North Valley FB Page.
PREMYO
1st Place - 4,000
2nd Place - 3,000
3rd Place - 2,000
2 Consolation - 500
SPONSORED BY MUNICIPAL ADVISORY COUNCIL AND STAKEHOLDERS OF PNP SANTA ANA