05/06/2026
Nakibahagi ang SK Federation ng Noveleta sa Brigada Eskwela 2026 ng Noveleta National High School! 📚
Sa diwa ng bayanihan, sama-sama nating inihanda ang paaralan upang maging mas malinis, ligtas, at handa para sa pagbabalik ng mga mag-aaral. Ipinapakita ng gawaing ito ang dedikasyon ng kabataan sa paglilingkod at pagsuporta sa edukasyon ng ating komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng mga boluntaryo, g**o, estudyante, at mamamayang nakiisa at tumulong sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2026. Sama-sama nating itaguyod ang mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataang Noveleteño! ☝🏻💚❤️