11/02/2025
🔵SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE FOR BARANGAY🔵
Alinsunod sa Republic Act No. 11292 o ang SGLG Act, ang ating Barangay ay sumailalim sa assessment ng Seal of Good Local Governance for Barangay upang masuri kung epektibo ang pamamahala ng ating barangay sa pagganap sa iba't ibang larangan ng pamamahala.
Noong ika-6 ng Hunyo taong 2024, ay isinagawa ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Municipal Local Government Operations Officer ang pag-assess sa 14 na barangay ng ating bayan, at napagtagumpayang maipasa ito ng ating Barangay.
Dahil sa ating pagkapasa sa Municipal Level, ipinasa ito sa Provincial at Regional Level hanggang sumapit sa National Level upang suriin muli alinsunod sa bawat kategorya.
Dahil sa pagtatiyaga, pakikiisa at pagtutulungan ng bawat isa. Ang BARANGAY A. DALUSAG ay isa sa nakapasa at ngayon ay NATIONAL AWARDEE ng SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE FOR BARANGAY.
Maraming salamat po sa lahat ng taong naging instrumento upang makamit namin ang karangalang ito. Sa Pamahalaang Lokal ng Gen. Emilio Aguinaldo-Bailen sa pangunguna ng aming Punong Bayan, Hon. Dennis M. Glean, mga Department Heads at Staff ng iba'it ibang lokal na ahensya.
Sa suporta, tulong at pagtatiyaga ng aming Municipal Local Government Operations Officer, Ms. Jermiluz De Castro Gadon, sa lahat ng bumubuo ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ng aming minamahal na Punong Barangay Cresencio M. Tafalla, at lahat ng mga kasama sa barangay, at sa lahat ng mamamayan ng A. Dalusag. Maraming, maraming salamat po!
Maraming Salamat Panginoon sa lahat ng kalakasan, katalinuhan at pagmamahal na ibinibigay mo sa aming lahat upang maisagawa namin ng tama ang lahat ng aming tungkulin ng naaayon sa kagustuhan mo! Patuloy mo pong patnubayan ang aming barangay at ang lahat ng mamamayan dito. Thank you, Lord!
Ang karangalang ito ay para sa ating lahat. Nawa'y magsilbing inspirasyon ito upang mas pagbutihin at ipagpatuloy pa natin ang kapayapaan, pagkakaisa at pagtutulungan upang mas mapabuti ang kalagayan patungo sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay.
Palagi po nating tandaan:
MAKIKIISA AKO. TUTULONG AKO. DISIPLINADO AKO.
Mabuhay ang Barangay A. Dalusag!