07/03/2026
‼️ CURFEW FOR MINORS ADVISORY ‼️
Pinapaalalahanan ang lahat ng magulang at kabataan na mahigpit na ipapatupad ang Curfew for Minors alinsunod sa Memorandum No. 11 s. 2026 at Ordinance No. 389 s. 2023 ng Pamahalaang Bayan ng Rosario.
🕙 Curfew Hours: 10:00 PM – 4:00 AM
Sa mga oras na ito, bawal ang mga menor de edad
na maglagi sa lansangan o pampublikong lugar kung walang kasamang magulang o guardian at kung walang valid na dahilan.
Mga Paalala at Posibleng Parusa:
• Ang mahuhuling menor de edad ay sasailalim sa counselling at intervention.
• May pananagutan ang mga magulang o guardian sa paglabag sa curfew.
• Ang paulit-ulit na paglabag ay maaaring humantong sa community service at kaukulang multa.
Layunin ng curfew na maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa mga panganib sa gabi at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa komunidad.
Ang Sangguniang Kabataan ay katuwang sa paggabay at pagsuporta sa ating kabataan.
Hinihikayat ang pakikiisa ng lahat ng magulang, kabataan, at mamamayan sa maayos na pagpapatupad ng nasabing ordinansa.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon. 🤍