Brgy. Sta.Cruz 2

Brgy. Sta.Cruz 2 OFFICIAL PAGE OF BRGY. STA.CRUZ 2

OFFICIAL CONGRATULATORY MESSAGEWe extend our warmest congratulations and deepest commendation to our esteemed Punong Bar...
05/06/2026

OFFICIAL CONGRATULATORY MESSAGE

We extend our warmest congratulations and deepest commendation to our esteemed Punong Barangay, Hon. Cita Alvarez-Baron, for being honored with the prestigious Golden Heart Award for Compassionate Service & Excellent Leadership.

This distinguished recognition, conferred by Star Stage Production on May 24, 2026, at Robinsons Place Dasmariñas, stands as a clear testament to your honest, effective, and heartfelt leadership—one that consistently places the welfare, dignity, and well-being of the community above all else.

Your unwavering dedication to public service continues to inspire trust, unity, and progress within Barangay Santa Cruz II. This achievement is not only a personal honor but also a collective pride for the entire barangay you faithfully serve.

We are profoundly grateful for your exemplary leadership and tireless commitment to genuine public service.

Mabuhay po kayo, Punong Barangay Cita Alvarez-Baron! May you continue to be blessed with wisdom, strength, and compassion as you guide and lead our barangay toward greater development.

Congratulations to Ms. Leah E. Dumaquita Barangay Santa Cruz II extends its warmest congratulations to our dedicated Bar...
05/06/2026

Congratulations to Ms. Leah E. Dumaquita

Barangay Santa Cruz II extends its warmest congratulations to our dedicated Barangay Treasurer, Ms. Leah E. Dumaquita, for being honored with a Certificate of Recognition as the Top Barangay Treasurer in Quality Report Submission by the Office of the City Accountant, City Government of Dasmariñas.

This prestigious recognition reflects her outstanding commitment to excellence, professionalism, and integrity in the performance of her duties. Through her diligence in the timely, accurate, and quality submission of financial and administrative reports, she has contributed significantly to ensuring transparency, accountability, and sound fiscal management in Barangay Santa Cruz II.

Punong Barangay Cita A. Baron expressed her pride and appreciation for this achievement, stating:

"Ang pagkilalang ito ay patunay ng mahusay, tapat, at responsableng paglilingkod ni Ms. Leah E. Dumaquita sa Barangay Santa Cruz II. Ang maayos at tamang pag-uulat ng pananalapi ay mahalagang bahagi ng mabuting pamamahala sapagkat ito ang nagsisiguro na ang buwis at pondo ng mamamayan ay napapangalagaan, nagagamit nang tama, at naibabalik sa komunidad sa anyo ng mga programa at serbisyong may tunay na pakinabang. Ipinagmamalaki ng Barangay Santa Cruz II ang kanyang tagumpay dahil ito ay sumasalamin sa ating patuloy na adhikain para sa tapat, transparent, at mahusay na pamamahala."

We are proud of your well-deserved achievement and extend our sincere gratitude for your unwavering dedication to public service. May this recognition continue to inspire excellence and strengthen the commitment of Barangay Santa Cruz II to serve the people with honesty, accountability, and integrity.

Congratulations, Ms. Leah E. Dumaquita!


📢 MAHALAGANG ANUNSYO 📢♻️🌱 URGENT MEETING ON PROPER WASTE SEGREGATION 🌱♻️Alinsunod sa direktiba ng Department of the Inte...
05/06/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO 📢

♻️🌱 URGENT MEETING ON PROPER WASTE SEGREGATION 🌱♻️

Alinsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at City Environment and Natural Resources Office (CENRO), ang lahat ng Barangay Officials, People's Organizations (POs), Non-Government Organizations (NGOs), Community Partners, Block Leaders, at mga residente ay inaanyayahang dumalo sa isang mahalagang pagpupulong ukol sa wastong segregasyon ng basura at pagpapatupad ng mga programang pangkalinisan sa ating barangay.

📅 Petsa: Hunyo 7, 2026 (Linggo)
⏰ Oras: 1:00 PM
📍 Lugar: Barangay Covered Court

📖 Ang pagpupulong na ito ay kaugnay ng pagpapatupad ng Republic Act No. 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) at iba pang mga direktiba ng DILG at CENRO hinggil sa tamang pamamahala ng basura at pangangalaga sa kalikasan.

⚠️ Mahalagang makadalo ang lahat ng inaanyayahan sapagkat tatalakayin ang mga polisiya, tungkulin, at responsibilidad ng bawat organisasyon at mamamayan sa pagpapatupad ng waste segregation program ng barangay. Ang mga desisyong mabubuo sa pagpupulong na ito ay magkakaroon ng direktang epekto sa mga susunod na programang pangkalinisan, environmental activities, at pagsunod sa mga kautusan ng pamahalaan.

⚠️ Ang inyong pagdalo ay hindi lamang pakikiisa kundi isang mahalagang bahagi ng ating kolektibong responsibilidad upang mapanatili ang kalinisan, kalusugan, at kaayusan ng ating komunidad.

Sama-sama nating isulong ang isang malinis, disiplinado, at responsableng Barangay Santa Cruz II.

Mahigpit na hinihikayat ang lahat ng kinauukulan na dumalo at makilahok sa nasabing pagpupulong.

Maraming salamat po.

HON. CITA A. BARON
Punong Barangay
Barangay Santa Cruz II ♻️🇵🇭

MATAGUMPAY NA SCHOOL SUPPLIES AT UNIFORM DISTRIBUTION SA BARANGAY SANTA CRUZ IIMatagumpay na isinagawa ng Barangay Santa...
30/05/2026

MATAGUMPAY NA SCHOOL SUPPLIES AT UNIFORM DISTRIBUTION SA BARANGAY SANTA CRUZ II

Matagumpay na isinagawa ng Barangay Santa Cruz II, sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Cita A. Baron kasama ang buong Sangguniang Barangay, ang School Supplies Distribution para sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6.

Umabot sa 280 mag-aaral ang nabigyan ng school supplies, habang 240 mag-aaral naman ang tumanggap ng libreng uniporme bilang bahagi ng patuloy na suporta ng barangay sa sektor ng edukasyon.

Kasabay ng aktibidad ay ang pamamahagi rin ng school supplies ng Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni SK Chairperson Rome Tibre, na naglalayong higit pang matulungan ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral.

Dinaluhan din ang programa ni SPM Azlie G**o , na nagbigay ng inspirasyon at mensahe sa mga mag-aaral. Masaya rin ang naging bahagi ng programa ang sorpresang pagdating ng mga mascot ng Lungsod ng Dasmariñas na sina Mar Dunong at Ina Sinop, na nagbigay saya sa mga bata.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Punong Barangay Hon. Cita A. Baron na ang mga natanggap na tulong ng mga mag-aaral ay nagmula sa buwis ng mamamayan na maayos na inilaan para sa mga serbisyong panlipunan.

“Ang mga natanggap ninyo ay mula sa buwis ng ating mamamayan na ibinabalik namin sa anyo ng tapat at makabuluhang serbisyo para sa kabataan at sa kanilang kinabukasan,” ani Kapitana Cita A. Baron.

Lubos ding ipinaabot ng pamunuan ng barangay ang pasasalamat sa Block Leaders, KDBM, Barangay Tanod, Third Generation – Santa Cruz II Chapter, at sa lahat ng mga indibidwal at grupo na nagbigay ng karagdagang suporta at donasyon para sa School Supplies Distribution.

Ayon sa pamahalaang barangay, ang naturang programa ay patunay ng patuloy na malasakit at pagkakaisa tungo sa mas maunlad na edukasyon at kinabukasan ng kabataan ng Santa Cruz II.

30/05/2026

Address

Brgy. Sta. Cruz 2 Dasmarinas
Cavite

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Sta.Cruz 2 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category