Phpt Western Samar

Phpt Western Samar Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Phpt Western Samar, Government Organization, Catbalogan.

03/04/2025

HPG Weekly Accomplishment by the Numbers, covered period March 24 to 30, 2025.




03/04/2025

Gospel: John 4:43-54
Reflection: Jesus Heals the Official’s Son
March 31, 2025

03/04/2025

PNP NAGPAPAALALA SA PUBLIKO NA MAGING MAINGAT NGAYONG SUMMER VACATION KASABAY NG MGA INSIDENTE NG PAGKALUNOD

Habang papalapit ang panahon ng bakasyon, ang Philippine National Police (PNP) ay nananawagan sa publiko na maging mas maingat, lalo na sa mga magplaplano na magtungo sa mga beach at iba pang recreational spots.Ang paalala na ito ay kasunod ng mga ulat ng mga kaso ng pagkalunod na naitala ng PNP Directorate for Operations.

Noong 2023, nagtala ng 125 insidente ng pagkalunod, at 90 kaso naman ang naitala sa 2024. Ang pinakamataas na bilang ng mga kaso ay naitala sa Police Regional Office 4A (PRO4A) na may 25 kaso, PRO1 na may 23, at PRO10 na may 9 na insidente.

Nagbigay ng mensahe si Chief PNP, Police General Rommel Francisco Marbil, at pinaalala ang kahalagahan ng kaligtasan sa bawat isa. "Lahat tayo gusto mag-enjoy ng bakasyon, pero ang kaligtasan ay dapat laging nauuna. Ang PNP ay narito para tiyakin ang seguridad sa pamamagitan ng mga tourist police na nakatalaga sa mga beach resorts at mga tourist spots. Ngunit, hindi natin dapat kalimutan na ang ating personal na kaligtasan ay nakasalalay din sa mga hakbang na ating ginagawa," ani ni Chief PNP Marbil.

Bilang bahagi ng PNP LIGTAS SUMVAC 2025, ang PNP ay nakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan (LGUs) at ibang mga law enforcement agencies upang mapalakas ang mga hakbang para sa kaligtasan, dagdagan ang pagpapatrolya, at magbigay ng mga advisories upang maiwasan ang mga aksidente. Patuloy na hinihikayat ng PNP ang publiko na maging alerto, maging aware sa kanilang paligid, at mag-ingat habang nag-eenjoy sa mga outdoor activities..

Binanggit pa ng Chief PNP na ang presensya ng PNP ay ramdam sa mga high-traffic tourist destinations, partikular na sa mga dalampasigan kung saan nagtitipon ang mga bakasyunista. Ngunit, pinaalalahanan pa rin niya ang lahat na maging responsable at isaisip ang kaligtasan hindi lang sa tubig kundi sa lahat ng mga aktibidad sa bakasyon.

"Gusto namin na lahat ay mag-enjoy ng holiday season, pero mahalaga na seryosohin natin ang kaligtasan. Nasa beach man o sa anumang pampublikong lugar, tiyakin natin na nagmamasid tayo sa isa’t isa at sumusunod sa mga safety guidelines," pahayag ni Chief PNP Marbil.

Ang pahayag ng PNP ay alinsunod din sa gabay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na patuloy na pinapahalagahan ang kapayapaan at kaayusan sa buong bansa, lalo na sa mga panahon ng mataas na aktibidad tulad ng mga summer holidays. Ang pagtutok ng Pangulo sa seguridad ay tinitiyak na ang mga mamamayan ay makakaranas ng isang masaya at ligtas na bakasyon.

Habang ang mga pamilya ay nagsisimula nang magtungo sa kanilang mga destinasyon para sa bakasyon, patuloy ang PNP sa pagtutok para tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Pilipino. Hinihikayat ng kapulisan ang lahat na mag-enjoy ng summer, pero laging isaisip ang kaligtasan.


03/04/2025

PNP MAS PINAIIGTING ANG SEGURIDAD PARA SA SUMMER VACATION 2025

Habang papalapit ang panahon ng tag-init, inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang PNP MC Ligtas SUMVAC 2025 Operational Guidelines bilang gabay sa pagpapatupad ng mas pinaigting na seguridad at kaayusan sa buong bansa. Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inatasan ng PNP ang lahat ng yunit nito na tiyakin ang kaligtasan ng publiko mula Abril 1 hanggang Mayo 31, 2025.

Tuwing tag-init, dumarami ang mga bumibiyahe papunta sa kanilang mga probinsya upang makasama ang pamilya, dumalo sa mga reunion, at magbakasyon sa mga resorts, dalampasigan, at iba pang tourist destinations. Maraming mahahalagang pagdiriwang din ang kasabay ng panahon na ito, kabilang ang Philippine Veterans Week, Araw ng Kagitingan, Labor Day, Flores de Mayo, at ang Mahal na Araw mula Abril 13 hanggang Abril 20. Dahil dito, inaasahan ang pagdagsa ng mga biyahero, balikbayan, at turista sa mga pampublikong lugar, transport terminals, pangunahing lansangan, commercial establishments, at iba pang pasyalan, na nangangailangan ng mas mataas na presensya ng pulisya upang maiwasan ang anumang banta sa seguridad.

Kasabay ng pagdami ng tao sa matataong lugar, inaasahang tataas din ang mga kaso ng krimen tulad ng panloloob, pagnanakaw, at iba pang illegal na aktibidad. Malaking hamon din ang pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing kalsada at daan papunta sa probinsya, pati na rin ang siksikan sa mga bus terminals, paliparan, at pantalan. Bukod dito, maraming bahay ang naiiwanang walang tao, kaya't maaaring samantalahin ito ng mga masasamang loob. Dagdag pa rito, mahigpit na binabantayan ng PNP ang posibilidad ng anumang banta mula sa mga kriminal at teroristang grupo, lalo na’t ang SUMVAC 2025 ay kasabay ng pangangampanya, eleksyon, at proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa National and Local Elections (NLE).

Upang matugunan ang mga hamong ito, magde-deploy ang PNP ng 40,151 personnel sa buong bansa sa ilalim ng Enhanced Operational Concept of Managing Police Operations (E-MPO) Strategy, na nakatuon sa mas pinaigting na police visibility, patrol operations, at koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan.

Itatalaga ang Police Assistance Desks sa mga transport hubs, tourist spots, at iba pang matataong lugar upang agarang makapagbigay ng tulong sa publiko. Paiigtingin din ang law enforcement operations upang pigilan ang anumang aktibidad ng krimen, habang mas hihigpitan ang seguridad sa mga mahahalagang pasilidad, terminal, at lugar ng pagsamba sa pamamagitan ng intelligence monitoring at security inspections. Kasabay nito, ipapatupad nang mahigpit ang traffic management at road safety measures upang mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko at maiwasan ang mga aksidente sa lansangan.

Tiniyak naman ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil ang kahandaan ng pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong bansa. “Habang pinaghahandaan natin ang Summer Vacation 2025, sinisiguro ng PNP ang kaligtasan ng ating mamamayan. Ang ating mga kapulisan ay naka-deploy at handang rumesponde sa anumang sitwasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan. Nananawagan kami sa publiko na manatiling mapagmatyag, makipagtulungan sa mga awtoridad, at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad. Sama-sama nating gawing ligtas at kasiya-siya ang tag-init na ito,” aniya.

Pinaaalalahanan din ng PNP ang lahat ng biyahero na tiyaking maayos na nakakandado ang kanilang bahay bago umalis, maging alerto sa paligid, at sumunod sa mga safety guidelines sa matataong lugar. Bukas ang mga emergency hotlines at opisyal na social media channels ng PNP para sa mga agarang concerns o insidente na nangangailangan ng agarang aksyon.

Sa pamamagitan ng PNP MC Ligtas SUMVAC 2025, nananatiling matatag ang Philippine National Police sa pangakong protektahan ang publiko at tiyakin ang isang ligtas, payapa, at masayang summer vacation para sa lahat.


03/04/2025

Address

Catbalogan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Phpt Western Samar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Phpt Western Samar:

Share