15/05/2025
Mula sa Team Serrano-Orfanel:
Bagamat hindi natin nakuha ang inaasam na tagumpay sa halalan, ang aming puso ay labis na nagpapasalamat sa bawat isa sa inyo na naging bahagi ng aming laban.
Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng tapat at tunay na sumuporta—sa mga naglaan ng oras, lakas, at pagmamahal para sa ating buong team. Ang inyong dedikasyon, sakripisyo, at paniniwala sa adhikain ng Team Serrano-Orfanel ay hindi namin kailanman malilimutan.
Sa mga walang sawang nangampanya ng para sa amin, sa mga naghouse-to-house, tumulong sa mga gawain, nagparamdam ng suporta (personal man o sa social media), at higit sa lahat—sa mga nanalangin at umasa kasama namin—maraming, maraming salamat po.
Hindi man panalo ang resulta, panalo pa rin ang pagkakaisa, malasakit, at tiwala ng mga taong kagaya ninyo. Ito ay hindi katapusan kundi simula pa lamang ng mas matibay na layunin na paglingkuran ang ating bayan sa anumang paraang makakaya.
Lakad tayo nang taas-noo, may pusong puno ng pasasalamat, at panibagong sigla para sa mga susunod pang hakbang. Mula sa aming puso—taos-pusong pasasalamat sa inyo.
Mabuhay po kayong lahat.
PATULOY TAYONG TITINDIG PARA SA PAMILYANG CATANAUANIN!
MABUHAY ANG PAMILYANG CATANAUANIN!
MARAMING SALAMAT PO!❤️✊🏻