04/06/2026
PAGTATAGUYOD NG KARAPATAN AT KAPAKANAN NG MGA KABATAAN
Malugod na tinanggap ng Barangay Cabilang Baybay ang mga kinatawan ng **Carmona Children's Federation (CCF)** para sa kanilang programang **βA-BA-TA-RA! Maglibang at Magkuwentuhan Tungo sa Mas Makabatang Bayan.β**
Ang inisyatibong ito ay naglalayong hikayatin ang aktibong pakikilahok ng mga kabataan, palawakin ang kanilang kaalaman, at bigyang-halaga ang kanilang mga karapatan bilang mahalagang bahagi ng ating komunidad.
Buong suporta ang aming barangay sa mga programang nagbibigay ng oportunidad sa ating mga kabataan na matuto, makilahok, at maging mga responsableng mamamayan sa hinaharap.
Maraming salamat sa Carmona Children's Federation at sa lahat ng katuwang sa pagsusulong ng isang ligtas, masaya, at makabatang komunidad para sa lahat. ππ