BHS Landusan

BHS Landusan BHS Landusan activities and updates

22/07/2025

🚨 DOH, NAGBABALA LABAN SA LEPTOSPIROSIS NA MAAARING MAKUHA SA BAHA 🚨

Huwag maglaro at iwasang lumusong sa baha. Mapanganib ang mga mikrobyo mula sa mga basura at dumi na maaring magdulot ng leptospirosis. 🦠

Maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay, bato, at puso ang taong mapapasukan ng mikrobyong leptospira sa katawan.

Kung sakaling malulubog sa baha, agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon. Agad ding kumonsulta sa doktor kung lumusong sa baha nang may sugat o kung makararanas ng sintomas tulad ng lagnat at pananakit ng katawan.

Tumawag sa Telekonsulta hotline 1555 (press 2) para sa mabilis na konsultasyon. 📞




22/07/2025
22/07/2025

‼️DOH: MAG-INGAT SA PANGANIB NG KURYENTE SA BAHA‼️

Mapanganib na malubog sa tubig na may live wire o saksakan, maging ang
madikit sa mga nakasaksak na appliances na nabasa o nalubog sa tubig. Maaari itong magdulot ng electical shock o pagkakuryente.

Payo ng DOH, iwasang malubog sa baha lalo na kung maaaring may electrical source na nakalubog dito. Patayin ang main switch ng kuryente o circuit breaker.

Anong maaring mangyari sa katawan kapag nakuryente?
🫀Cardiac Arrest - o paghinto ng puso dahil sa kuryente o electrical current

🫁Respiratory Arrest - dulot ng pagkaparalisa ng mga muscles na tumutulong sa paghinga

🧠Internal Organ Damage - maaaring mabilis na maapektuhan ng kuryente ang utak, bato at atay

🫲 Pagkasunog ng balat

🚨Maaaring magsagawa ng CPR sa isang taong nakuryente basta’t masigurong ligtas na ang kapaligiran. Sundin ang S.A.G.I.P. para sa mga hakbang.

Antabayanan din ang mga payo ng DOE: https://www.facebook.com/share/p/1CDA8ctTff/

22/07/2025

🚨 PANATILIHING LIGTAS ANG MGA DONASYON SA MGA EVACUATION CENTER 🚨

⛈️ Sa panahon ng sakuna, bawat tulong ay mahalaga. Palaging tiyakin na ligtas at malinis ang iyong donasyon para sa mga nasalanta:

✔️ Inuming tubig – malinis at selyado
✔️ Pagkain – selyado, walang butas o yupi, at hindi expired
✔️ Hygiene products – bago at selyado
✔️ Damit – malinis at maayos

🤝 Makipag-ugnayan sa inyong LGU, simbahan, o community org para sa mga donation drives. Sama-sama tayong tumulong sa ating kababayan, at maghatid ng ginhawa at pag-asa!



Araw ng Bakuna💉💉💉
16/03/2025

Araw ng Bakuna💉💉💉

 !!!Lahat tayo ay may responsibilidad upang maiwasan ang dengue.☝tandaan ang 4 o'clock habit kung saan hinihikayat ang k...
16/03/2025

!!!
Lahat tayo ay may responsibilidad upang maiwasan ang dengue.

☝tandaan ang 4 o'clock habit kung saan hinihikayat ang kumonidad na maglinis ng kapaligiran.

❤Thanks to Landusan BHW👏👏👏

house to house visit at sitio pinangandao & sitio dalaquit👍
16/03/2025

house to house visit at sitio pinangandao & sitio dalaquit👍

Address

Capul
6408

Telephone

+639060493651

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BHS Landusan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BHS Landusan:

Share