03/06/2026
πππππ πππππππ || SUSPEK SA INSIDENTE NG PAMAMARIL SA CANDON CITY, ARESTADO
Authority: PLTCOL RODEL C DEL CASTILLO
Chief of Police
Date: June 3, 2026
Candon City β Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Candon City Police Station sa pangunguna ni PLTCOL RODEL C DEL CASTILLO, COP, ang suspek na 44 taong gulang at residente ng Brgy. San Agustin, Candon City, Ilocos Sur, kaugnay ng naganap na insidente ng pamamaril sa nasabing barangay noong gabi ng Hunyo 1, 2026.
Bandang alas-1:25 ng hapon Hunyo 2, 2026, isinagawa ang pag-aresto sa suspek sa tulong ng Punong Barangay ng San Agustin na si Winnie Rose Lazo at ng pamilya ng suspek. Ang matagumpay na operasyon ay naging bunga ng masusing follow-up investigation at pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang opisyal ng barangay na nagresulta sa pagkakakilanlan at pagtunton sa kinaroroonan ng suspek.
Sa pagsasagawa ng pag aresto ay ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanyang nauunawaan at malinaw na naintindihan ang mga ito. Matapos ang pag-aresto, siya ay dinala sa Candon City Health Office (CHO) upang sumailalim sa kinakailangang medikal na eksaminasyon. Sa kasalukuyan, ang naarestong suspek ay nasa kustodiya ng Candon City Police Station para sumailalim sa mga kinakailangang legal na proseso.
Samantala, kaugnay ng pagpapatupad ng Enhanced A.L.E.R.T.O. Framework ni Acting, Regional Director, PBGEN JOVENCIO S BADUA JR, inatasan ang lahat ng stasyon ng pulisya sa lalawigan na paigtingin ang mobile patrol operations, palakasin ang police visibility, magsagawa ng mga strategic checkpoint operations, at higit pang paigtingin ang intelligence gathering at monitoring activities upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Muling pinagtibay ng stasyong ito ang pangako na agarang tumugon sa mga insidente ng karahasan at tiyakin na mananagot sa batas ang sinumang lalabag dito.