31/08/2026
August 19, 2026 | Governor's Visit
Brewing Site, Brgy. Poblacion, Candelaria, Quezon
Sa pagtatapos ng Buwan ng Agosto na itinalagang Buwan ng Wika, nais ng Rotary Club of Metropolitan Candelaria na ibahagi ang naging Governor's Visit na kasabay ng Araw ni Manuel L. Quezon noong Agosto 19.
Ang mga miyembro ng Club ay puno ng pagpapasalamat sa pagbisita ng District 3820 Governor Eric Santos. Kasama nya ang ilan sa mga District Officers na sina DS Jojo Hernandez, DS Dennis Inciong, RCSO Maan, DDG Marvin Tan, AG Charmaine Tan at Rtn Edward Inciong.
Sinimulan ni Service Impact President Portia Hermosa ang programa at lubos na nagpasalamat sa presensya ng mga bisita sa araw na iyon.
Masaya at buong pagmamalaking iniulat ni Service Impact Secretary Ariel Yu ang mga proyektong natapos na at nakaplano pa sa buong Rotary Year 2026-2027.
Natuwa ang buong club sa mga mensahe nina DS Jojo at DS Dennis tungkol sa The Rotary Foundation at sa Calamity Response ng buong Distrito.
Naramdaman ng buong Club ang pagpapasalamat, pagpapahalaga at inspirasyon na dala ni Governor Eric sa kanyang mensahe at mga kwento.
Nagtapos ang programa sa pagbibigay ng District Fees at mga token.
Ang Governor's Visit na ito ang nagsilbing inspirasyon para mabuhay ang diwa ng pagboboluntaryo sa bawat miyembro ng RC Metropolitan Candelaria.
Mabuhay ang Rotary at ang paglilingkod na higit sa sarili!