HPG PCR

HPG PCR Police Community Relation and Public Information related to HPG activities

11/03/2025
11/03/2025
11/03/2025

Fire Prevention Month 2025

27/02/2025
24/02/2025
24/02/2025

PNP CHIEF MARBIL: PALAKASIN ANG BADAC BILANG UNANG DEPENSA SA LABAN KONTRA DROGA

Philippine National Police (PNP) Chief, General Rommel Francisco D. Marbil, binigyang-diin ang mahalagang papel ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACs) sa pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga, kung saan ang pakikilahok ng komunidad ay isang mahalagang bahagi upang suportahan ang mas pinaigting na operasyon laban sa mga drug supplier at sindikato.

“Habang patuloy nating hinahabol ang drug suppliers at ang kanilang supply lines, dapat mas maging involved ang BADAC officials sa rehabilitation at reform ng kanilang constituents. Ang approach natin ay may balance—habang hinuhuli natin ang mga nagpapayaman sa illegal drugs, binibigyan din natin ng second chance ang mga kaya pang iligtas,” pahayag ni Gen. Marbil.

Ayon sa PNP Chief, ang muling pinatibay na kampanya kontra droga ay sumusunod sa “back to basics” na estratehiya, kung saan ang barangay mismo ang magiging pangunahing tagapagpatupad ng mga solusyon sa problema ng droga.

“Ang BADAC ang unang depensa sa ating laban kontra droga sa antas ng barangay. Kailangan silang maging mas aktibo, hindi lang sa pagbabantay sa ilegal na gawain, kundi sa pagbibigay ng tunay na pagkakataon sa mga gustong magbagong-buhay,” dagdag niya.

Sa ilalim ng pinaigting na kampanya, pinapalakas ng PNP ang intelligence-driven operations laban sa high-value targets at drug syndicates. Kasabay nito, mas pinalalakas din ang koordinasyon sa mga local government units at BADACs upang magkaroon ng mas komprehensibong solusyon sa problema ng ilegal na droga.

“Ang laban kontra droga ay hindi lang tungkol sa paghuli ng mga sangkot. Ito ay tungkol sa pagsagip ng buhay, proteksyon ng mga komunidad, at pagsigurong iginagalang ang karapatang pantao sa bawat hakbang. Kaya malinaw ang mensahe natin sa BADACs—gampanan ang inyong papel sa pagbabago at proteksyon ng inyong mga kabarangay, habang sinisiguro naman namin na mababawasan ang pinagmumulan ng salot na ito,” diin ni Gen. Marbil.

Upang mas mapalakas ang BADACs, patuloy na nagsasagawa ang PNP ng training at capacity-building programs para palakasin ang kanilang kakayahan sa drug prevention initiatives, community-based rehabilitation programs, at information dissemination sa tulong ng law enforcement at health agencies.

“Nasa iisang laban tayo. Kapag mas empowered ang BADAC, magiging game-changer ito sa ating anti-drug campaign. Umaasa kami na tutugunan nila ang hamon,” pagtatapos ni Gen. Marbil.

Patuloy na titiyakin ng PNP ang isang pangmatagalan at makataong kampanya kontra droga, na may matibay na kooperasyon sa pagitan ng law enforcement, local government units, at mga komunidad para sa isang matagumpay na laban kontra ilegal na droga.


21/02/2025

Gospel: Mark 8:34-9:1
Reflection: Those who lose their lives for my sake, will save them
February 21, 2025

Address

Camp Crame
Camp Crame
0801

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HPG PCR posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category