23/11/2025
πππππππ|ππ’π π£π₯ππππ‘π¦ππ©π π¬π’π¨π§π πͺπππππ₯π ππ‘π πππ©πππ’π£π ππ‘π§ ππ’ππ π‘π πππ₯ππ‘πππ¬ ππππ¨π£ππ’π‘, πππ ππ₯ππ‘ππ¦ π¦π¨π₯, ππ£π₯π¨ππππ’ π‘π π‘π π¦ππ‘πππ¨π‘πππ‘π πππ¬ππ‘
Pormal nang inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Pasacao ang Ordinansa ng Barangay Dalupaon na pinamagatang βAN ORDINANCE PROVIDING FOR A COMPREHENSIVE YOUTH WELFARE AND DEVELOPMENT CODE OF BARANGAY DALUPAON AND FOR OTHER PURPOSES AND PROVIDING FUNDS THEREOFβ sa ginanap na Committee Meeting noong Oktubre 22, 2025 sa Sangguniang Bayan Session Hall, Pasacao, Camarines Sur.
Ang ordinansa, na isa sa pinakamahahalagang inisyatiba para sa kapakanan ng kabataan sa Barangay Dalupaon, ay naglalaman ng komprehensibong mga probisyon na naglalayong tiyakin ang kanilang karapatan, pag-unlad, at aktibong partisipasyon sa pamayanan.
Kabilang sa mga pangunahing laman nito ang: Barangay Youth Assessment Study, Barangay Youth Development Council (BYDC), Youth Rights, Barangay Youth Capacity Development and Empowerment Program: Towards Nation-Building, Barangay Youth Parliament, Seal of Model Youth and Youth Organization, Youth Center, at Duties and Responsibilities of the Youth.
Ang Sangguniang Kabataan ng Dalupaon ay nagpapahatid ng aming taos-pusong pasasalamat sa Sangguniang Barangay, Sangguniang Bayan ng Pasacao, at sa lahat ng lumahok sa mahaba at masusing proseso ng pagsusuri, at pagkilatis sa ordinansa. Lubos din naming pinasasalamatan ang Model SK sa pagbibigay ng gabay, kaalaman, at mga reference na nakatulong sa pagbuo ng komprehensibong Youth Code.
Ito ang kauna-unahang Barangay Youth Code na naipasa sa buong Bayan ng Pasacaoβisang makasaysayang hakbang tungo sa mas sistematiko, inklusibo, at makabuluhang pamamahala para sa kabataan.
Inaasahang magsisilbi itong modelo para sa iba pang barangay sa Pasacao at magbubukas ng mas marami pang oportunidad para sa mga kabataang Dalupaonon tungo sa tunay na nation-building.