CNHS Supreme Secondary Learner Government

CNHS Supreme Secondary Learner Government This is the Official Page of Supreme Secondary Learner Government - Caranday National High School

CarandayNational HS
18/06/2026

CarandayNational HS

12/06/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป!

Ika-128 Taon ng Kasarinlan: Gunitain ang Kasaysayan, Itaguyod ang Kinabukasan!

Alam mo ba? Noong Hunyo 12, 1898, opisyal na idineklara ng mga Pilipino ang ating kalayaan mula sa pananakop ng Espanya sa Cavite el Viejo (na kilala ngayon bilang Kawit, Cavite). Dito rin unang iwinagayway ang pambansang watawat ng Pilipinas at narinig ang himig ng ating Pambansang Awit.
Ngayong Hunyo 12, 2026, ipinagdiriwang natin ang ika-128 na Araw ng Kalayaan. Kasama ang Youth Formation Division, muli nating ipinapaalala sa kapwa nating mga mag-aaral at kabataan na ang tunay na kalayaan ay hindi lamang bahagi ng kasaysayan, ito ay isang responsibilidad na dapat nating pangalagaan araw-araw sa pamamagitan ng edukasyon, nasyonalismo, at paglilingkod sa kapwa.
Mabuhay ang malayang Pilipino!






Words by Matthew S. Magno | DFSSLG Vice President
Pubmat by Cyv C. Nimo | DFSSLG P.I.O

STATE OF THE LEARNER GOVERNMENT ADDRESS (SOLGA) 2026 Leadership. Growth. Sustainability. Service. Integrity.
09/06/2026

STATE OF THE LEARNER GOVERNMENT ADDRESS (SOLGA) 2026

Leadership. Growth. Sustainability. Service. Integrity.



OATH TAKING CEREMONY OF THE ELECTED SSLG OFFICERS FOR SCHOOL YEAR 2026-2027 Leadership. Growth. Sustainability. Service....
09/06/2026

OATH TAKING CEREMONY OF THE ELECTED SSLG OFFICERS FOR SCHOOL YEAR 2026-2027

Leadership. Growth. Sustainability. Service. Integrity.


SOLGA 2026
09/06/2026

SOLGA 2026

Opening of Classes for S.Y. 2026-2027! Let's gooo, the school in the sky!๐Ÿ’š๐Ÿ’™
08/06/2026

Opening of Classes for S.Y. 2026-2027! Let's gooo, the school in the sky!๐Ÿ’š๐Ÿ’™

STATE OF THE LEARNER GOVERNMENT ADDRESS (SOLGA) 2026โ€œAno kayang mga ganap this school year?โ€โ€œAno naman na kaya ang nagaw...
06/06/2026

STATE OF THE LEARNER GOVERNMENT ADDRESS (SOLGA) 2026

โ€œAno kayang mga ganap this school year?โ€
โ€œAno naman na kaya ang nagawa at gagawin pa ng SSLG?โ€

Gusto mo bang malaman, maki-SOL is GA na tayo! Ano tara?

Inaanyayahan lahat ng aming mga kapuwa mag-aaral na makiisa, makibahagi at makibalita sa gaganaping SOLGA o State of the Learner Government Address ng ating Pangulo ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), Steven Dave S. Briรฑas, sa Lunes, ika-8 ng Hunyo 2026 sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Caranday sa ganap na ika-9 ng umaga (9:00AM) pagkatapos ng ganap at opisyal na Pagbubukas ng Klase at Oath Taking Ceremony of the newly elected SSLG Officers para sa Panuruang Taon 2026-2027.

Para sa karagdagang impormasyon manatiling naka-like and follow sa aming opisyal na page: CNHS Supreme Secondary Learner Government o makipag-ugnayan kay Erick Boy L. Brabante (Chairperson, Committee on Public Relations and Information Dissemination).

โœ๏ธ: Sec. Janen G. Andaya
Layout: Pres. Steven Dave S. Briรฑas

IN PHOTO | SSLG Officers and BSP Senior Scouts: 3-4 Hours Daily Voluntary Service during the Brigada Eskwela for S.Y. 20...
06/06/2026

IN PHOTO | SSLG Officers and BSP Senior Scouts: 3-4 Hours Daily Voluntary Service during the Brigada Eskwela for S.Y. 2026-2027

Theme: "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman"

CarandayNational HS
BSP Caranday NHS Outfit no.020
CNHS Supreme Secondary Learner Government

Leadership. Growth. Sustainability. Service. Integrity.

We are "The School in the Sky": for quality education, only sky's the limit.

02/06/2026

๐…๐„๐€๐“๐”๐‘๐„ | ๐—ฌ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ž ๐—ง๐—จ๐—ก๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฃ: ๐—ง๐—จ๐—ก๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—•๐—œ๐—š๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—š๐—œ๐—ก๐—›๐—”๐—ช๐—” ๐—”๐—ง ๐—›๐—œ๐—ฅ๐—”๐—ฃ

Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang larawan ng magkaibigan na sina Nelly Jane Bustinera at Jonalyn Bolalin nang sila ay walang kaalam-alam na makuhanan ng larawan ng isang maniniyot habang tulak ng kaibigan ni Jonalyn na si Nelly Jane ang kaniyang wheelchair. Umani ng samoโ€™t saring reaksyon ang kuhang larawan ng maniniyot na si Pitik Ni Porโ€”marami ang naantig sa larawan at nagpa-abot ng suporta sa magkaibigan.

โ€œMay we all find this kind of friendshipโ€ ani ng isang netizen sa kaniyang komento sa nasabing larawan.

Ngayon ay ating tunghayan ang kuwento ng pangarap at tunay na pagkakaibigan.
------
Ayon sa aking panayam sa magkaibigan, ay papauwi na sila noon pagkatapos ng kanilang klase, papuntang centro at doon maghihintay ng sundo (ama ni Jonalyn), habang ang kaibigan naman nitong si Nelly Jane ay ang nagtutulak ng kaniyang wheel chair habang kasama ang ilan sa kanilang mga kaklase at kaibigan na nagdesisyong maglakad na lamang upang mag-bonding na diumanoโ€™y naglalakad sa bandang likuran nila at hindi na nahagip ng camera.

Wala umanong kalam-alam ng magkaibigan na nakuhanan na pala sila ng litrato, hanggang sa kinaumagahan ay nakita na lang nila na kalat na sa news feed nila sa Facebook ang kanilang litrato at umani na ito ng samoโ€™t saring reaksyon mula sa mga netizen, lalo na ang kanilang dating mga g**o, mga kamag-anak, at mga kaibigan.

Samantala, pareho silang nakapagtapos ng Elementarya sa Caranday Elementary School, si Jonalyn ay ang Salutatorian sa kanilang klase, Class of 2017, samantalang kasama naman sa Honor List si Nelly Jane. Pareho din silang mag-aaral ng Caranday National High School at nagtapos si Jonalyn bilang With Honors nang Class of 2023.

Noon pa man, simula elementarya, ay magkaibigan na ang dalawa hanggang sa pagtungtong nila ng kolehiyo. Kung kayaโ€™t ayon sa kanila, hinubog na ng panahon at sinubok ng maraming mga pagkakataon ang kanilang pagkakaibigan. Ayon din kay Jonalyn ay halos magkapatid na ang turingan nila sa isaโ€™t isa.

Madalas daw na ganoโ€™n ang sistema na ang mga kaibigan niya ang nagtutulak ng wheelchair niya bago o pagkatapos ng kanilang klase, kung kayaโ€™t para sa kanya biyaya niyang maituturing ang kaniyang mga kaibigan na mayroon siya.

Pangatlo sa apat na magkakapatid si Jonalyn. Mula noong ipinanganak siya ay hindi na sโ€™ya makalakad dahil sa kaniyang karamdaman. Ang sistemang ito ay danas niya mula noong elementarya hanggang sa makapagtapos siya ng sekondarya, kung kayaโ€™t tuwing papasok ito ng paaralan ay matiyaga itong inihahatid at sinusundo ng kaniyang ama na si Tatay Jonathan. Labis ang sakripisyo ng kaniyang ama, karga-karga itong ihahatid sa pagpasok sa paaralan at karga-karga din na susunduin pagkatapos ng kaniyang klase.

Labis na lamang ang pasasalamat niya dahil kahit na ganoon ang kaniyang kalagayan ay mahal siya ng kaniyang mga magulang at mga kapatid niya, buo ang suporta sa kaniyang pag-aaral at sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap. Madalang lamang ang pagkakataon na magkapiling sila ng kaniyang ina na si Nanay Arlene na nagtatrabaho upang matustusan ang pag-aaral niya at ng kaniyang bunsong kapatid na kasalukuyang nasa elementarya.

โ€œThe hardest part for me is yung hindi ako makagalaw mag-isa, [hindi] ako makaakyat sa hagdan ng wala magbubuhat and syempre โ€˜yong transportation mahirap, buti na lang po full support si papa palagi kaya sobrang thankful ako sa parents ko na sobrang tiyga, at sakripisyo nila saakinโ€ฆ [I am] grateful to God na binigyan nโ€™ya ako ng ganon na magulang, kapatid at mabubuting kaibigan.โ€

Aniya, hindi madali ang kaniyang kalagayan at may mga pagkakataon din na hindi maiiwasan ang panghuhusga mula sa ibang tao. Ngunit ayon sa kaniya ginagamit na lamang niya itong motibasyon at lakas upang magpatuloy sa kung ano ang kaniyang nasimulan habang nakatuon ang kaniyang mga mata sa minimithi niyang pangarap na balang araw ay makakamit niya ang pangarap niyang diploma.

โ€œDi naman mawawala ang judgment ng ibang tao pero think positive lang [lagi] kasi di naman na mababago [โ€˜yong] sitwasyon ko at tingin nila saโ€™kin. Hindi ko naman po kasi kontrolado ang isip ng ibang tao pero for me gagamitin ko na lang โ€˜yon as motivation ko para maabot ko ang mga pangarap ko at ma-prove ko sa kanila na kaya ko din ang kaya ng isang normal na taoโ€ aniya, habang sa kabila ng mga pagsubok na ibinabato sa kaniya ng mundo ay nananatili siyang matatag at pursigido sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap.

Hanggang ngayon ay hatid-sundo pa rin siya ng kaniyang ama patungo sa kaniyang paaralan sakay ng kanilang Topdown, pababa at pataas ng bukid. Habang patuloy na inaabot ang kaniyang mga pangarap. Habang kasalukuyan na silang 3rd Year College sa kursong Bachelor of Science in Informtion System (BSIS) sa Baao Community College ng kaniyang kaibigan na si Nelly Jane, sabay na nangangarap at puno ng pag-asa na magkasamang aabot sa kanilang mga pangarap para sa mas maayos at maningning na bukas.

Isa si Jonalyn sa patunay na hindi hadlang ang estado sa buhay, kapansanan, o kahit ano mang kakulangan sa pisikal na kaanyuan ng isang indibidwan upang maabot ang mga pangarap nito. Isa siyang inspirasyon para sa bawat kabataan at katulad niyang may karamdaman at nagbibigay ng paalala na gaano man kabigat ang ating sitwasyon sa buhay ay mananatiling mayroong paraan upang maabot ang ating mithiin kung magpupursige at magtitiwala sa nasa itaas.

Ito ang kaniyang bawat yapak tungo sa kaniyang inaabot na mga pangarap at ang kanilang tunay na pagkakaibigan sa ginhawa at sa hirap. Patunay lamang na ang tunay ba pagkakaibigan ay hindi kukupas subukin man ng panahon at ang tunay na kaibigan ay hindi ka iiwanan sa kahit ano man at sasamahan ka maging sa pag-abot ng iyong pangarap.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ka hihilahin paibaba bagkus itutulak ka patungo sa iyong pangarap at upang maabot mo ang tugatog ng iyong tagumpay.

Photo courtesy: Pitik Ni Por

The Summit Feature | via Steven Dave S. Briรฑas

Address

Caranday National High School
Camarines Sur

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CNHS Supreme Secondary Learner Government posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to CNHS Supreme Secondary Learner Government:

Shortcuts

Share